Bilang ng Mga Bisita

There was an error in this gadget

Wednesday, October 20, 2010

Sacrificio y Amor o Pura Obligacion y Deber?

Si Ate Kate, 30 years old,Tubong Buhol pero lumaki at nag aral sa Manila.  May 10 taon na syang naninirahan sa España at nakatira din sya dito sa Barcelona tulad ko. Nag tatrabaho sya bilang camarera sa isang restaurante mahigit 7 taon na din. Kahapon lang lumabas kami, fiesta nya daw kasi at gusto pumasyal, mag pahinga at ng may makausap daw siya.At dahil bagong sweldo nya, nilibre nya pa ako sa isang bar at kumain kami ng baguette con jamon de jabugo y otro de salmon! Habang kumakain kami sa may Gran Via 2, inumpisahan nya ang kanyang " not so unsual" na kwento..


Gaya ng dati, tuwing magkikita kami lagi nyang dinadaing ang mga responsabilidad nya sa kanyang pamilyang naiwan sa Pilipinas. 5 silang magkakapatid, pangalawa sya sa panganay, 3 pa sa kanyang kapatid ang nasa College ngayon. Sa kanya lang daw umaasa ang buong pamilya nya, para maka-ahon sila sa hirap at magkaruon ng magandang kinabukasan at yun ang dahilan kung bakit ngayon ay nandito sya.

Nung isang araw, tumawag ang kanyang nanay, kailangan daw ng mga kapatid nya ng 40.000 PHP bawat isa  para sa matricula,  magpapadala pa daw sya sa mga magulang nya, sa mga pang araw araw na gastusin ng mga ito, allowance ng mga bunsong kapatid at konting tulong sa kuya nga na hanggang ngayon ay wala pa din makitang trabaho.

Umiiyak si ate habang kumakain kami ng masarap na jamon de jabugo, pagod na pagod na daw sya sa kanyang trabaho, wala na daw syang oras para sa sarili nya dahil ang taning iniisip nya ay ang kanyang pamilyang naiwan, hindi pa siya nakakabayad sa inuupahan nyang kwarto sa isang kababayan din namin dito. At ang hindi alam ng pamilya nya, ay sa susunod na buwan mawawalan na siya ng trabaho, mag sasara ang Restaurante dahil sa crisis.

Nang sinabi nyang hindi  nya kaya tustusan ang lahat ng pangangailan ng kanyang pamilya nagalit sa kanya ang kanyang nanay, sinigawan sya at sinabihan na wala syang utang na loob,na hindi na siya nakakaalala, nakarating lang sya sa ibang bansa eh kala nya na daw kung sino siya,  sarili nya lang daw ang iniisip nya, pano naman daw kanyang mga kapatid na hindi makakapasok ngayong taon. Hindi na sumagot si Ate, umiyak na lang ng umiyak,hindi nya masabi ang totoong dahilan kung bakit hindi nya na ito mapapadalahan ng ganun kalaking pera.

Naiinis si Ate, hindi man lang kasi sya inintindi ng kanyang ina, hindi man lang tinanong kung ano ba ang dahilan niya. Mahal nya ang pamilya nya, malaki ang sakripisyo na ginagawa nya para sa kanila, pero hindi nila ito naiintindihan. Ayaw naman niyang mag sabi sa nanay niya na nahihirapan na sya, na bakit hindi nalang sila mag tulong tulong, bakit kailangan niyang pasanin ang lahat, bakit  pati pamilya ng Kuya nya kailangan nyang padalahan? Hindi nya ngayon tuloy alam kung ano gagawin nya, baka daw kasi magalit at sumama na ang loob ng magulang nya sa kanya.. 

Pero bakit ganon, nag tatanong tuloy ako sa sarili ko.Obligasyon nga ba ng mga kababayan ko na katulad ni Ate ang mag-padala sa pamilyang naiwan sa Pilipinas?
Tengo muchos conocidos que dicen tener el mismo problema: Pag konti, kulang o wala daw silang maipadala minsan galit, minsan nag tatampo,incluso a veces te hieren los sentimientos.  Creo que no son muy conscientes de la vida de los inmigrantes aqui en España, siguro iniisip nila ganun na lang kadali kumita ng pera, hindi nila alam bago mapatayo yung bahay na tinitirahan nila ngayon sa probinisya, 2 bahay ang pinapasukan sa isang araw  ng anak niya, madaming kubeta ang nilinis ng ate nya at libo libong plato ang hinugasan ni kuya para sa kanila.

Y lo que mas me duele, es que algunos de ellos no valoran el dinero que reciben. Entiendo que tengamos que ayudar a nuestra familia, que compartamos nuestros frutos con nuestros seres queridos. Pero hasta que punto una ayuda se convierte en una obligacion? Hasta que punto dejas de vivir tu vida y  te sacrificas,  mientras otros gozan de tu esfuerzo merecido?

Sobretodo jovenes en Filipinas, que sus padres se sacrifican por que ellos tengan una vida mejor, sus  madres que cuidan a hijos de desconocidos para poder recibir el sueldo del mes y enviarselo  a los suyos propios y que tengan  una educacion que ellos mismos nunca han tenido.. para todos aquellos que no valoramos el esfuerzo de nuestro ser querido..

Pobre Ate, hindi na tuloy nakakain ng Jamon de Jabugo...


2 comments:

  1. todo es demasiado fácil para los jóvenes de hoy en día. No se aprecia el esfuerzo de los padres, no conocen las carestías de los abuelos para darnos una vida mejor, y cuando creemos que lo tenemos todo, nos encontramos con un vacio que no sabemos llenar y por lo tanto buscamos substitutivos como el alcohol y las drogas.
    P.D. Una gran interpretación de los actores de esta película.

    ReplyDelete
  2. Good day

    ask ko lang po if makakabalik pa po ba ako ng spain after 1 yr 7 months of stay dto sa p.i po?

    Residencia y trabajo po papel ko ndi pa naman po sya expired makakabalik pa
    po ba ako pa email po loveakoniswiticoh@yahoo.com

    ReplyDelete