Bilang ng Mga Bisita

There was an error in this gadget

Saturday, June 11, 2011

Ika-113 Taon ng Kalayaan. Kalayaan: Paninindigan ng Bayan



Nakakatuwa namang mag-celebrate ng Independence Day dito sa Spain.  Mga Spanish kasi ang dating sumakop sa atin.  Ngayon malaya na tayo at dito mismo nagdiriwang sa sarili nilang bansa, sa lupain ng mga sundalo at pari na sumakop at nang-abuso sa ating bayan sa loob ng maraming taon.  Pero syempre naman, iba na ang panahon ngayon. 

*****

Ang Spain ay isa na sa mga bansang tumutulong sa ating bayan sa maraming paraan.  At ito na ang pangalawang bayan para sa mga katulad naming dito na nagtatrabaho sa loob ng marami ng taon.  Marami ng Pinoy ang ngayon ay Spanish citizens na rin.  Mula sa pagiging mananakop natin, masasabing malapit na partner na natin ngayon ang Spain.  Kung baga, Facebook friends na ang Filipinas at España.

*****

Subalit ano nga ba ang diwa ng pagdiriwang ng Kalayaan?  Bakit natin ito ginagawa? Ano ang kahalagahan nito sa isang ordinaryong OFW?  Ano ang ibig nitong sabihin sa buhay ng isang pamilyang Filipino dito sa España?

*****

Ang tema ng Independence Day 2011, sa Filipinas at kahit saan man sa buong mundo,  ay "Kalayaan: Paninindigan ng Bayan".  Ito ay isang paghamon sa ating lahat na ipagpatuloy, ipaglaban at panindigan ang ating natamong kalayaan. Pero sandali lang, sino ba ngayon ang kalaban?

*****

Malaya na tayo sa mga mananakop na Español, subalit ang ating bayan ay alipin pa rin ng kahirapan.  Dahil dito, marami sa ating ang napilitang umalis sa ating saraling bayan upang magtrabaho sa abroad at magkaroon ng mas magandang buhay.  Iniwan ang mga pamilya at kaibigan.  Nagtitiis sa mahirap na trabaho abroad upang may maipadala lamang sa mga kamag-anak na nangangailangan.

*****

Tapos na ang panahon ng armadong pakikipaglaban para sa kalayaan.  Ang ating kaaway ngayon ay ang kahirapan.  At hindi ito nagagapi sa pamamagitan ng armas o away, kung hindi sa pamamagitan ng sama-sama nating pagkilos para umunlad ang ating bansa.  Sana wala ng "kami-kami" o "kayo-kayo".  Kailangan lahat tayo ay magtulungan sa pagpapaunlad ng ating bayan.  Kahit sino pa ang umupong lider o presidente ng Filipinas, kung hindi natin susuportahan, walang mangyayari.  Dapat magkaisa ang gobyerno, mga tao sa Pilipinas, mga OFW, at mga pribadong grupo para sa ikauunlad nating lahat.  Tama na ang awayan. Tama na ang pag-iisip ng para sa sarili lamang.

*****

At tama na rin ang puro salita lamang.  Isagawa natin ang pagtutulungan at pagkakaisa.  Ngayong araw ng kalayaan, ako ay nangangakong sa aking maliliit na paraan ay tutulong ako sa aking bayan at sa mga kababayan, lalo na sa mga nandito din sa Spain:

1.  Tutulong akong mapaganda ang imahen ng Pilipinas at mga Filipino sa pamamagitan ng pagsasalita ng mabubuti tungkol sa bansa ko at sa aking mga kababayan.

2.  Susunod ako sa mga batas at alituntunin at hindi ako magbibigay ng suhol upang makatakas sa aking mga pananagutan o mapabilis ang aking mga transaksiyon.

3.  Magtatapon ako ng basura sa tamang paraan at susunod ako sa batas trapiko.

4.  Sasali ako sa mga grupo at activities na tumutulong sa Pilipinas o sa mga Filipino.

5.  Hindi ako manlalait at manchichismis ng aking kapwa OFW dito sa Spain.

*****

Sa araw ng Kalayaan, ako ay taas-noo bilang Filipino.  At haharapin ko ang mga responsibilidad at hamon upang maging bahagi ako sa pag-unlad at pagkakaisa ng bayan ko.  Halikayo, samahan niyo ako!

Kalayaan: paninindigan ng bayan. Mabuhay ang Filipinas! Mabuhay ang mga Filipino sa España! Maligayang araw ng kalayaan mga kababayan!

Monday, October 25, 2010

Isang Gagong Pinoy

Pinoy ako.  Proud ako sa lahi ko.  Nakikipag-away ako pag feeling ko inaapi ako ng ibang mga lahi dahil sa pagka-Pinoy ko.  Ayaw ko din kapag minamaliit o pinipintasan ng mga puti ang ibang Filipino o ang bansa nating Filipinas.  Kaya sobra akong disappointed kapag nakakakita ako ng Pinoy na tarantado, kupal, manloloko at sinungaling.  Ang tawag ko sa ganitong klase ng Filipino: ang gagong Pinoy.  Dito sa España, meron akong isang kilala.

*********

Itago natin siya sa pangalang Manuel (maaring ito din ang kanyang tunay na pangalan). Katrabaho ko dati siya sa pinapasukan naming bar/restaurant.  Pero tatlong buwan na mula noong siya ay tinanggal sa trabaho.  Ang dahilan: nagnanakaw pala siya ng pera sa caja.  Lahat kaming Filipinong kasamahan niya, napahiya sa kanyang ginawa.

**********

Noong una, ayaw pa niyang umamin na nagnanakaw siya.  Nagpasama pa siya sa akin sa embassy, magpapatulong daw sa illegal na pagtanggal sa kanya.  Noong nakikipag-usap na kami sa taga embassy, pinakinggan ko ang mga kwentong sinasabi niya.  Aba, ibang-iba ang sinasabi niya sa alam kong nangyayari sa aming trabaho!  Hindi daw niya alam kung bakit siya pinagbibintangang nagnakaw.  Subalit tumahimik lang ako.  Pagkatapos kunin ang statement niya, sabi ng taga embassy, tutulungan daw si Manuel.  At sa mismong harap namin, tinawagan ng taga embassy ang aming employer.  Kung alam lang niya na hindi lang magnanakaw si Manuel, sinungaling pa.

**********

Pagkatapos nilang mag-usap, ang sabi ng taga embassy kay Manuel, "Bakit ka nagsinungaling sa akin?"  Hindi makasagot si Manuel, hindi mapakali sa upuan.  "Kuha ka daw sa security camera, tatlong gabi kang nagnanakaw ng pera, ginawa mo ba?"  Biglang tumayo si Manuel at nagsisigaw, "Taga embassy ka, bakit sila ang pinapaniwalaan mo?  Wala kayong silbi!" Kawawang taga embassy, siya pa ang nasisi.

*********

Pagkatapos ng isang linggo, nabalitaan kong dinampot ng pulis si Manuel para imbestigahan. Nag-denuncia kasi ang aming employer dahil sa kanyang pagnanakaw.  Ebidensiya ng pulis ang mga CD ng aming security camera kung saan huling-huli si Manuel na kumukuha ng pera sa caja.

*********

Hindi doon natapos ang katarantaduhan ni Manuel.  Isa na rin siya sa mga napapabalitang nagbebenta ng shabu.  Siya daw ang tagakuha sa opisina ng correo kung may mga darating na sulat na may lamang shabu.  Minsan nakasalubong ko siya, bangag at mapula ang mata, halatang naka-high siya.  Wala siyang pakialam sa mga nakakasalubong niya sa kalsada, lahat binabangga niya.

**********

Subalit ang pinakamasakit ay noong i-denuncia siya ng mismo niyang pamilya dahil sa abuso at pananakit sa asawa at mga anak nila.  Madalas daw niya itong gawin kapag lasing o high siya sa droga. Minsan, ang mga kapitbahay pa nilang Spanish ang tumatawag ng pulis kapag inaaway niya ang kanyang pamilya.

**********

Noong isang araw, naglalakad ako galing sa trabaho.  Nakasalubong ko si Manuel.  As usual, nakainom na naman, amoy alak.  Umuutang sa akin, kahit 20 euros lang daw.  Sabi ko wala akong pera, meron lang akong 5 euros, iniaabot ko sa kanya.  Ayaw niyang kunin, magwithdraw daw ako para may maibigay sa kanya.  Ngumiti na lang ako at iniwanan ko na siya.  Habang papalayo ako, naririnig ko siyang sumisigaw, minumura at nilalait ako.  Wala daw akong silbi.

**********

Hay, Manuel, bakit gago ka?  Ikinahihiya ka na ng iyong pamilya.  Ikinahihiya din kita na Filipino ka. Ayaw mong magtrabaho ng marangal.  Drug pusher ka na, addict ka pa.  Inaabuso at sinasaktan mo ang iyong asawa at mga anak. Ibinaon mo sila sa utang dahil sa iyong mga bisyo. Marami ka ng niloko at inutangang ibang Filipino.  Ikaw at ang mga katulad mong tamad at tarantado ang sumisira sa malinis na pangalan ng mga Filipino dito sa España.  Mabuti na lang, kunti lang kayong mga gago: makulong na sana lahat kayo kung ayaw ninyong magbago.


Wednesday, October 20, 2010

Sacrificio y Amor o Pura Obligacion y Deber?

Si Ate Kate, 30 years old,Tubong Buhol pero lumaki at nag aral sa Manila.  May 10 taon na syang naninirahan sa España at nakatira din sya dito sa Barcelona tulad ko. Nag tatrabaho sya bilang camarera sa isang restaurante mahigit 7 taon na din. Kahapon lang lumabas kami, fiesta nya daw kasi at gusto pumasyal, mag pahinga at ng may makausap daw siya.At dahil bagong sweldo nya, nilibre nya pa ako sa isang bar at kumain kami ng baguette con jamon de jabugo y otro de salmon! Habang kumakain kami sa may Gran Via 2, inumpisahan nya ang kanyang " not so unsual" na kwento..


Gaya ng dati, tuwing magkikita kami lagi nyang dinadaing ang mga responsabilidad nya sa kanyang pamilyang naiwan sa Pilipinas. 5 silang magkakapatid, pangalawa sya sa panganay, 3 pa sa kanyang kapatid ang nasa College ngayon. Sa kanya lang daw umaasa ang buong pamilya nya, para maka-ahon sila sa hirap at magkaruon ng magandang kinabukasan at yun ang dahilan kung bakit ngayon ay nandito sya.

Nung isang araw, tumawag ang kanyang nanay, kailangan daw ng mga kapatid nya ng 40.000 PHP bawat isa  para sa matricula,  magpapadala pa daw sya sa mga magulang nya, sa mga pang araw araw na gastusin ng mga ito, allowance ng mga bunsong kapatid at konting tulong sa kuya nga na hanggang ngayon ay wala pa din makitang trabaho.

Umiiyak si ate habang kumakain kami ng masarap na jamon de jabugo, pagod na pagod na daw sya sa kanyang trabaho, wala na daw syang oras para sa sarili nya dahil ang taning iniisip nya ay ang kanyang pamilyang naiwan, hindi pa siya nakakabayad sa inuupahan nyang kwarto sa isang kababayan din namin dito. At ang hindi alam ng pamilya nya, ay sa susunod na buwan mawawalan na siya ng trabaho, mag sasara ang Restaurante dahil sa crisis.

Nang sinabi nyang hindi  nya kaya tustusan ang lahat ng pangangailan ng kanyang pamilya nagalit sa kanya ang kanyang nanay, sinigawan sya at sinabihan na wala syang utang na loob,na hindi na siya nakakaalala, nakarating lang sya sa ibang bansa eh kala nya na daw kung sino siya,  sarili nya lang daw ang iniisip nya, pano naman daw kanyang mga kapatid na hindi makakapasok ngayong taon. Hindi na sumagot si Ate, umiyak na lang ng umiyak,hindi nya masabi ang totoong dahilan kung bakit hindi nya na ito mapapadalahan ng ganun kalaking pera.

Naiinis si Ate, hindi man lang kasi sya inintindi ng kanyang ina, hindi man lang tinanong kung ano ba ang dahilan niya. Mahal nya ang pamilya nya, malaki ang sakripisyo na ginagawa nya para sa kanila, pero hindi nila ito naiintindihan. Ayaw naman niyang mag sabi sa nanay niya na nahihirapan na sya, na bakit hindi nalang sila mag tulong tulong, bakit kailangan niyang pasanin ang lahat, bakit  pati pamilya ng Kuya nya kailangan nyang padalahan? Hindi nya ngayon tuloy alam kung ano gagawin nya, baka daw kasi magalit at sumama na ang loob ng magulang nya sa kanya.. 

Pero bakit ganon, nag tatanong tuloy ako sa sarili ko.Obligasyon nga ba ng mga kababayan ko na katulad ni Ate ang mag-padala sa pamilyang naiwan sa Pilipinas?
Tengo muchos conocidos que dicen tener el mismo problema: Pag konti, kulang o wala daw silang maipadala minsan galit, minsan nag tatampo,incluso a veces te hieren los sentimientos.  Creo que no son muy conscientes de la vida de los inmigrantes aqui en España, siguro iniisip nila ganun na lang kadali kumita ng pera, hindi nila alam bago mapatayo yung bahay na tinitirahan nila ngayon sa probinisya, 2 bahay ang pinapasukan sa isang araw  ng anak niya, madaming kubeta ang nilinis ng ate nya at libo libong plato ang hinugasan ni kuya para sa kanila.

Y lo que mas me duele, es que algunos de ellos no valoran el dinero que reciben. Entiendo que tengamos que ayudar a nuestra familia, que compartamos nuestros frutos con nuestros seres queridos. Pero hasta que punto una ayuda se convierte en una obligacion? Hasta que punto dejas de vivir tu vida y  te sacrificas,  mientras otros gozan de tu esfuerzo merecido?

Sobretodo jovenes en Filipinas, que sus padres se sacrifican por que ellos tengan una vida mejor, sus  madres que cuidan a hijos de desconocidos para poder recibir el sueldo del mes y enviarselo  a los suyos propios y que tengan  una educacion que ellos mismos nunca han tenido.. para todos aquellos que no valoramos el esfuerzo de nuestro ser querido..

Pobre Ate, hindi na tuloy nakakain ng Jamon de Jabugo...


Friday, September 17, 2010

10 Habits that Filipinos Should Learn from Spain

After living in Spain for several years now, I have seen some habits which, for many Spaniards, are a natural way of life.  But for Filipinos, these behaviors may look ridiculous or senseless.   But as I observed more closely, these simple things actually work: they make life easier for everybody and bring more order in the way things are being done!

**********

Maybe we could learn these things, too, and apply and teach them to our kababayans when we go home to the Philippines.  Who knows, these might help bring order and discipline to our chaotic Philippine society.  Here are 10 simple habits that we could learn from our Spanish brothers:

**********

1.  You are free to talk. Argue if you must. But violence has no place in a civilized society.

I have seen Spanish drivers argue on the road.  Some of them even went down their vehicles, stood face to face, and argued very loudly with the other driver.  But none of them touched each other.  And when the lights turned green, the drivers went back to their vehicles and drove to their own destinations.  In the Philippines, such confrontations end up in a shootout, with one driver dead and the other one a fugitive.  Heated verbal exchanges are simply that: verbal exchanges.  They are won and settled by the force of the argument, not by the argument of force.  And besides, the other party might pack a bigger gun

**********

2.  Segregate your trash, throw them in the proper containers during the designated time.

I still remember the tv commercial in the Philippines about a decade ago:  Ang basurang itinapon mo, babalik din sa iyo (with video clips of floating wastes and trash entering houses during raining days).  City planners say that most of the floods that drown Manila every year are caused by trash clogging the waterways.  Here in Spain, there are trash cans almost everywhere (in the streets, parks and beaches).  Huge color-coded garbage bins for recyclable, biodegradable, and bottle trash are accessible.  It is amazing how the Spaniards manage their own household trash: properly segregated and brought out of the house to the garbage bins at the proper time.  No wonder I haven´t seen garbage bags floating around during rainy days.

**********

3.  Green means go, yellow means slow down, red means stop. Follow traffic rules. These are laws, not suggestions.

Spain.  Past midnight.  Few people in the street.  Spanish driver reaches an intersection.  Traffic light is red.  No pedestrian is crossing, no policeman is watching.  Spanish driver stops, waits for the green light, and drives safely home.

Manila. 2:00a.m..  Filipino driver going home from a drinking spree.  Stops at an intersection.  Light turns green.  Filipino driver does not drive forward, he is busy texting.  The vehicle behind him is blowing his horn like crazy.  Filipino driver flashes the finger and curses the other driver before speeding forward. Before he reaches the next intersection, the traffic light turns yellow.  Filipino driver drives faster (of course, yellow light means drive faster).  He reaches the next intersection and the light is red.  he slows down, looks left and right and drives forward.  He didn´t even see the speeding dump truck before it hit his car.  And the Filipino driver´s last thought before he died must have been, "Damn that dump truck driver, he was beating the red light."

**********

4.  If your destination is only 4 blocks away, walk. Walking is good exercise. It is good for your pocket and it is good for the environment.

When I arrived in Spain, one Spanish friend told me that our destination was within walking distance.  And we walked for 40 minutes, the first longest walk in my sorry Filipino life.  Then I observed that everyone in Spain loves to walk, even the old ones.  Everyone, except for ignorant, lazy, rich and powerful Filipino tourists, who, just because they could afford to visit Spain, think that they should not suffer the indignity of walking.  And so their inflated egos and bloated feeling of self-importance actually lifts them above the ground and they just float around Spain.

But seriously, walking needs no explanation.  Your feet are made for walking.  Walking is healthy.  Walking saves you money that otherwise would have been used to pay your fare or purchase gasoline that produces carbon and pollutes the environment.  If you don´t believe this, then believe that God wants you to walk.  Otherwise, he would not have given you legs but two sets of wheels.

**********

5.  Drink your wine but do not get drunk.

A glass of red wine everyday is healthy.  Many Spaniards drink wine (and beer!) during meals (yes, breakfast, lunch and dinner).  And I have seen some of them get drunk and noisy (or should I say "noisier).  But a drunk Spaniard is rather an exception, for they appear to handle their drinks well.  They appear to drink for fun and socialization.  This is also true in the Philippines, except that a larger majority seem to drink to get drunk.  And when Filipinos get drunk, they become superheroes: immortal, unafraid and deaf.  If only we could just drink and let the liquor flow to our tummies instead of pumping the alcohol up our heads, the streets and bars of Manila would be much safer.  So next time that we go home for a vacation, let us remind ourselves and our guests that we are there to enjoy not to die.  Cheers!

**********

6.  Be courteous and friendly.  It´s ok to smile and say “hola” even to a stranger.

I was surprised when I arrived in Spain how the locals here greet people that they meet, sometimes even with a smile.  This habit is rare in the Philippines where greetings are limited to close friends and family members.  Try smiling or saying “hi” to people you meet in the streets of Manila and they would look at you like a freak.  But this habit promotes friendship and cordial relations.  And it feels good, too, especially if you elicit a reply or smile from the person you greeted.

**********

7.  Say the magic words “please” and “thank you”.  Saying them won´t hurt you.

These words are a dime a dozen in Spain. In restaurants, supermarkets, buses, and shopping stores, it is common to hear these words spoken by customers and attendants.  As a matter of fact, it is considered rude not to say “please” and “thank you” at the appropriate time.  So when we go home to the Philippines, let us bring these words and say them to the drivers, waiters, store attendants, family members.  Yes, to everyone!!!

**********

8.  When going to the grocery, bring your own cart or reuseable bag.  Don´t be plastic.

Really, it is time to minimize the waste that we produce.  Instead of placing your groceries inside the plastic bags available at the counter of most stores, bring your own reuseable container!  We are doing this is Spain, we can do it in the Philippines. At least you won´t feel guilty when you see on TV that Manila gets flooded again, with tons of plastic containers floating on dark, dirty rain water.

**********

9.  Your vehicle´s horn is not your brake.  Don´t blast other vehicles to the outer space with your loud bosina.

The streets of Manila are not only congested, they are also uber noisy, every driver seems to be trigger-happy with their horns.  Unlike in Spain that the only sound from the streets are from the sirens of ambulances, police vehicles, and firetrucks. When we are in Manila, let us remember that the vehicle in front of us won´t disappear when we make bosina.  So hit the brake instead, slow down your vehicle and cool down your temper.

*********

10.Be patient, fall in line.  Mandugas sa pila is so not cool.

Remember this, whoever you are (mayor, governor, congressman, OFW from Spain, OFW from the US, OFW from the Middle East, taho vendor, lawyer, nurse, taxi driver, unemployed, etc.) we are all equals.  Fall in line!!!  If we do this, we are not only making everybody´s lives easier, we are also showing to the world our good manners.

**********

So finally, it is complete: 10 habits that we could learn from our Spanish friends and bring back to the Philippines.  When our kababayans at home see us observing these little things, they will say that we have become, not only financially rich but, well-mannered and cultured individuals.


Tuesday, September 14, 2010

10 Habitos Que los Filipinos Deberian Aprender de los Españoles (2ª parte)

Finalmente, para completar el blog anterior de los 10 hábitos que los Filipinos deberíamos aprender de los Españoles:


6. Se cortés y amable. No hay nada malo en sonreír y decir “hola” aunque sea a un desconocido.

Quedé  perplejo cuando llegué a España y vi como la gente de aquí saludaba a las personas que conocían, incluso a veces con una sonrisa. Este hábito de saludar es raro en Filipinas, cuando la gente solo se limita a saludar a los amigos más cercanos y a la familia. Prueba de sonreír o decir “hi” a la gente que te encuentras por las calles de Manila y te miraran como estuvieras un chiflado. Pero este tipo de hábito fomenta la amistad y las relaciones cordiales.  Y te hace sentir bien, sobretodo si te devuelve el saludo o te sonríe la persona que has saludado.
  

7. Di las palabras mágicas “por favor” y “gracias”. No te hará ningún daño.

Éstas palabras son para dar y regalar en España. En los restaurantes, supermercados, autobuses y en los centros comerciales, es común escuchar éstas palabras tanto de parte de los clientes y de las dependientas. De hecho, se considera mala educación  no decir “por favor” y “gracias” en los momentos apropiados. Cuando vayamos a Filipinas, llevemos estas palabras para decírselo a los conductores, camareros, dependientas y a nuestros familiares. Sí, a todo el mundo. 



8. Cuando vayas de compras, llevate tu propio carro o bolsas reciclables. No seas plasta.

Ya es hora de reducir los desperdicios que producimos. En vez de poner toda vuestra compra en bolsas de plástico que puedes pedir en la mayoria de la cajas de los supers, lleva tu propia bolsa reciclable. Si lo hacemos en España, lo podemos hacer en Filipinas. Al menos no te sentirás culpable cuando veas por la tele que Manila se ha vuelto a inundar de toneladas de bolsas de plástico flotando a causa de las sucias y oscuras aguas torrenciales.


9. El claxon de tu vehículo no es tu freno. No pites a los otros vehiculos dejandoles fuera de órbita con tu mega bocina.

Las calles de Manila no solo estan saturadas, son también ruidosas, cada conductor parece encantado dandole al claxon. No como en España que lo único que oirás de las calles son las sirenas de las ambulancias, de coches de policía y bomberos. Cuando estemos en Manila, recordemos que el vehículo que esta delante nuestro no desaparecerá cuando le demos a la bocina. Pisa el freno, disminuye la velocidad de tu vehiculo y baja los humos.


10. Sé  paciente, ponte a la cola. Colarse no mola.

Acuerdate de esto, seas quien seas, (alcalde,governador,congresista, OFW de España, OFW de EEUU, OFW del Oriente Medio, vendedor de taho, abogado, enfermera, conductor de taxi, o estás en paro, etc.) todos somos iguales. Ponte a la cola!! Si lo hacemos, no solo conseguimos que la vida de cada uno sea mas fácil sinó que estamos enseñando buenas maneras a todo el mundo.


Finalmente, completo.: 10 hábitos que deberíamos aprender de nuestros amigos españoles y llevarnos de vuelta a Filipinas. Cuando nuestros kababayans se den cuenta de estas pequeñas cosas, dirán que no solamente somos ricos financialmente sinó que nos hemos enriquecido de buenos modales y culturizado como individuos.


Wednesday, September 8, 2010

Of Blood and Vampires: Tengo Sangre de Sibarita

Naniniwala ba kayo sa bampira o sa aswang?  Ayon sa mga kwento, ang aswang ay isa sa mga kinakatakutang kampon ng kadiliman sa Pilipinas.  Ang mga ito ay may kapangyarihan na katulad ng pinaghalong bampira at bruha.  Sila ay may mga pakpak at nahahati ang mga katawan upang makalipad.  Sinasabing hindi lang sila umiinom ng dugo ng tao kung hindi kumakain din ng mga sanggol.  Sa makatuwid, sila ay mga alagad ng demonyo, sila ay nakakatakot, sila ay makapangyarihan.

**********

Ang mga aswang daw ay laganap sa Kabisayaan lalo na sa mga probinsya ng Capiz, Iloilo at Antique.  Subalit napabalita na mayroon na ring mga aswang sa iba pang mga probinsya, pati na sa Manila.  Sila ay kilala rin sa tawag na manananggal, tik-tik, wak-wak, at soc-soc.  Sinasabing ang mga aswang ay maaring mabuhay na parang ordinaryong tao lamang na parang galing sa barrio, mahiyain, tahimik, at malayo sa tao.  Hanggang sa pagsapit ng dilim at sila ay nauhaw.... at nag-iibang anyo.  Isipin niyo, baka may kapitbahay kayo sa Pilipinas na ganito.  Paano na ang mga pamilya niyo?

**********

Sinasabing mayroon daw mabisang pangontra sa mga aswang: ang makapangyarihan at masarap na bawang.  Napansin niyo bang ang mga bawang dito sa España ay mas malalaki kaysa sa mga bawang sa Pilipinas na mahirap pang balatan?  Ayon sa mga doctor at scientists, ang bawang daw ay maganda sa katawan dahil nakakapagpababa ng blood pressure at lumalaban sa infection.  Ayon naman sa mga albularyo at sa mga may agimat, mabisa nga daw ang bawang laban sa mga aswang.  Kaya kung kayo ay magpapadala ng mga gamit at regalo sa Pilipinas ngayong pasko, samahan niyo ng bawang.  Hindi natin alam, baka biglang mauhaw at magutom ang kapitbahay ninyong aswang.

**********

Maliban sa bawang, nakakapatay din daw ng aswang ang silver bullets at matulis na kahoy o kawayan.  Ang mga ito rin ang madalas nating makitang ginagamit sa mga pelikula upang puksain ang mga nakakatakot na aswang.  Subalit dahil mahal naman ang silver bullets, at malapit ng maubos ang mga kahoy at kawayan sa Pilipinas, mas maganda pa ring gumamit ng bawang.  Kung namamahalan pa rin kayo sa bawang, pumunta lang sa tindahan at bumili ng Boy Bawang at ito ang ipakain sa bisita ninyong aswang.

**********

Upang hindi masayang ang ating mga dugo na posible lamang na gawing meryenda ng gutom na aswang, bakit hindi tayo mag-donate ng kaunti para sa mga nangangailangang may sakit sa ospital?  Alam ba ninyong may mga namamatay dahil nauubusan ng dugo, kahit sa mga ospital?  At maganda raw ang pagdodonate ng dugo sa ating katawan, kasi napapalitan ng bagong dugo ang dumadaloy sa ating mga ugat.  Sa maiksing salita, hindi lang tayo makakatulong sa mga pasyenteng nasa bingit ng kamatayan, kung hindi napapaganda pa natin ang ating sariling katawan.  Masakit ba ang magdonate ng dugo?  Hindi, kabayan!  Mas masakit ang kagatin ng aswang.

**********

Sa mga kababayan natin na nasa Barcelona, heto tignan ninyo.  Kung magdodonate kayo ng dugo, ipagluluto at papakainin kayo ng mga pinakasikat at pinakamagagaling na chef ng Cataluña na sina Fermi Puig, Ada Parellada, at Fabián Martín.  I-click ang link sa ibaba upang magpareserba.  Sigurado, maraming magdodonate ng dugo kaya makisama at magvolunteer din tayong mga Filipino.  La donación de sangre es un gesto de civismo y de responsibilidad hacia el conjunto de la sociedad.  Kaya lang, wala kayang mga aswang na makakaamoy sa mga dugo?


                                                        http://www.tincsangde.org/sibarita/



**********

Bonus video kung kailangan ninyo ng superhero:

Sunday, September 5, 2010

Volver a Empezar Otra Vez

Como pasa el tiempo y sin darme cuenta Septiembre ya esta aquí. El tiempo vuelve a estar nublado, las ráfagas de viento invaden la ciudad quedandose atrás esos días calurosos de Agosto en las playas de la costa tomando un par de cañas y tapas. La gente con sus paraguas, camisetas de manga corta y pantalones cortos otra vez en el armario y se vuelven a llevar jerseys, chaquetas,botines. Las calles de la gran ciudad vuelven a llenarse de hojas caídas de los arboles estilo Otoño en Nueva York.

*********

Aquellas tardes soleadas y alegres en que solía ir a pasear después de un día largo de trabajo o porque había quedado con amigos se convierten en tardes oscuras y frías. Adiós a las rebajas de Julio y Agosto, a los chipirones y patatas con allioli que me tomaba en alguna terraza de algún bar por el centro, a las fiestas nocturnas en la playa, a las fiestas de espuma de la piscina que solíamos ir, a los helados, al granizado de limón que tanto me gusta..Pero mirándolo así, vuelvo a disfrutar de las tardes tumbada en el sofá de mi casa, delante del televisor, con una manta y mis churros con chocolate...buenissssimo!!!

**********

Esta época del año me trae muchos recuerdos, especialmente durante mi infancia. Es la época de la vuelta al cole. El "El Corte Ingles" solía invadir el espacio publicitario que pagaban con un temazo que sonaba asi: "Volver a empezar otra vez, volver a estrenar zapatos y libros, volver a encontrar a viejos amigos y juntos volver a empezar" Que niño no se ha memorizado esta estrofa durante su infancia, es que no ha vivido su infancia en los años 90.

**********


Solía ir con mi madre y mi hermano a comprar material escolar en la papeleria debajo de casa. Pilots de diferentes colores específicamente del 0.5 el azul para la parrafada que nos hacian escribir, el rojo para titulos y el negro para subtitulos,colores Steadtler (son mis preferidos) otros utilizaban Plastidecor, pegamento, tijeras, goma, saca puntas, lápiz de dibujo y lápiz de minas (si eras uno de los que tenias este tipo de lápiz, te sentías superior a los que tenían un lápiz de sacar puntas) y todo lo que necesitaba para empezar el cole.

**********

La vuelta al cole era un éxtasis para algunos y un calvario para otros. Yo me lo tomaba bien por eso, no por que empezaran las clases nada menos, sino porque iba a volver a ver a mis compañeros de clase e incluso podía haber algún niño nuevo en el cole que solía convertirse en el centro de atención durante la primera semana del curso. Por ser nuevo y todo eso..

**********

También es la época en que todos teníamos ganas de contarnos lo que habíamos estado haciendo los tres meses de vacaciones, donde habíamos ido, las fiestas,las carpas en las que habíamos estado, los botellones de verano, las juergas, las escapadas, los ligues de verano...

**********

Empezar un nuevo curso nunca ha sido facil, adaptarse a la rutina del lunes-viernes de 8:00 a 17:00 es un coñazo, pero se sobrelleva cuando estas con amigos y cuando te lo pasas bien en medio de clase. Examenes, trabajos en grupo, exposiciones vuelven a robarme el tiempo pero siempre estan las fiestas del colegio, excursiones, salidas culturales que aprovechamos muy bien sobretodo porque nos escaqueamos de las clases.

**********

Como voy a echar de menos el verano pero aun no se ha acabado. En Cataluña nos queda Les festes de la Merce, els correfocs, els gegants, mucha fiesta y mucha cerveza que beber!!!

Con todo esto, me he dado cuenta que Septiembre es una buena época para recordar y para volver a empezar.

Wednesday, September 1, 2010

Ang Pulis at Ang Pinoy

Si Spanish Pinoy ay nakikiramay sa ating mga kaibigang Chino sa nangyaring karasahan noong Agosto 23, 2010 sa Manila kung saan walong turista ang namatay dahil sa isang dating Filipino pulis na si Rolando Mendoza. Ang ganitong karahasang kumitil sa buhay ng mga bisita sa aming bayan ay walang lugar sa isang sibilisadong lipunan.

Ako ay nakikiramay din sa aking mga kababayang Filipino sa buong mundo na, dahil sa pangyayari, ay umaani ng mga puna, kung hindi man panlalait, ng mga iba´t ibang lahi na nakapanood sa mga pangyayari.

Bilang isang Filipino, masakit panoorin at balikan ang insidente, lalo na at alam ko na ito ay nasaksihan ng buong mundo. Subalit kailangan kong harapin at tanggapin na ang aking bayang pinagmulan ay isang mahirap na bansang  umaasahang umunlad. Maraming pagkukulang na dapat punan, maraming mali na dapat itama. Mahirap ang mga tao at ang gobyerno. May mga krimen na dapat puksain. Subalit ito ang mga realidad sa bayan ko, sa bayan natin.

Ngunit huwag sana nating hayaang ang pangyayaring ito ay pumatay din sa ating diwa at dangal bilang mga Filipino. Sa mata ng buong mundo, maaring si Pinoy ay lalo pang lumiit. Pero sa kaibuturan ng ating pagkatao bilang mga Filipino, huwag sana nating ibaon ang maliit na tinig na nagsasabing si Pinoy ay magaling, marangal, magiting. Payabungin natin ang tinig na ito hanggang muli ay maging isang sigaw, isang sigaw na uugong sa apat na sulok ng mundo.

Kasabay ng ating taimtim na pag-asang balang araw ay aahon ang lahi ni Juan, ituloy natin ang pagtatrabaho at pamumuhay nang ayon sa magagandang asal na itinuro sa ating bayan. Dito sa Espanya, patuluin ang pawis ng Pinoy at ipakita sa mga restaurant, bahay at empresa na ang manggagawang Filipino ay mahusay at maaasahan. Muli nating ipakita nang buong yabang sa ating mga kapatid na Espanyol na ang Pinoy ay hindi magnanakaw at kriminal. Tayo ang mukha ng Filipino: ang ating mahusay at tapat na pagtatrabaho at maayos na pagtrato sa ibang tao.

At higit sa lahat, ikwento natin sa mga bata kung gaano karangal ang Filipino at kung gaano kaganda ang ating bayan. Huwag nating hayaang ang mga kabataang pag-asa ng ating bayan ay mawalan ng yabang at pagmamahal sa ating bayan. Ikwento at kilalanin natin sina:

1.     Carlos P. Romulo, ang unang asyanong naging Presidente ng United Nations General Assembly. Noong ginagawa ang official seal ng United Nations, hinanap ni Carlos P. Romulo ang Pilipinas sa mapang nakalagay sa seal. Ang sagot sa kanya ng US Senator Warren Austin, "It's too small to include. If we put the Philippines, it would be no more than a dot."  "I want that dot!", giit ni Romulo. Ngayon, mayroong tuldok sa pagitan ng Pacific Ocean at South China Sea sa seal ng United Nations.

2.     Efren Peñaflorida, nagtutulak ng kariton na may bandila ng Pilipinas. Ang karitong ito ang kanyang ginagamit upang turuan ang mga street children sa ating bayan kahit sa mga sementeryo, kalsada at bundok ng basura. Noong 2009, siya ay kinilala ng buong mundo bilang CNN Hero of the Year.

3.     Manny Pacquiao, ang hari ng boksing sa buong mundo. Efren “Bata” Reyes, ang hari ng billiards sa buong mundo. Paeng Nepomuceno, ang hari ng bowling sa buong mundo.

4.     Nestor Suplico, ang “New York´s Most Honest Taxi Driver”. Si Suplico ay pinarangalan dahil sa pagbabalik ng mga mahahaling perlas na humigit $70,000 na naiwan sa kanyang taxi habang siya ay nagmamaneho sa New York noong 2004.

5.     Josette Biyo, isang guro na nag-aral sa mga pinakamagagaling na universidad sa Pilipinas. Iniwan niya ang marangyang sahod ng pagtuturo sa malalaking eskwelahan at siya ay nagturo sa mga bata sa liblib na barrio kung saan ang sahod niya ay mababa pa sa 250 euros. Dahil sa kanyang kakaibang sakripisyo ay ginawaran si Dr. Biyo ng Massachusettes Institute of Technology (MIT) ng isang kakaibang parangal: pinangalanan ang isang bagong diskubreng planeta sa ating galaxy bilang “Biyo”.  Ayaw mong maniwala?  Sige, igoogle mo.

7.     Melitza Anne Chan, isang nurse mula sa Iloilo at nagtatrabaho sa Saudi Arabia. Ibinalik niya ang 10 million Saudi Riyals (mahigit 150 million pesos) na, dahil sa pagkakamali, ay pumasok sa kanyang bank account.

8.     Allan Pineda, ang sikat na miyembro ng Black Eyed Peas na nagbigay pugay sa kanyang bayang pinagmulan sa pamamagitan ng kantang “Bebot” na naging international hit.

9.     Jesus Sumook, isang Filipino seaman, na itinaya ang sariling buhay upang sagipin ang isa pang marinero na nahilo at nahulog sa shaft ng barkong Saga Spray. Kinilala siya ng Swedish Mercantile Marine Foundation dahil sa kanyang kabayanihan.

10.  Ikaw, isang OFW dito sa Spain. Oo, ikaw! Katulad nila, at marami pang iba (Charice Pempengco, Lea Salonga, Paulino Alcantara, atbp.), ikaw ay isang ipinagmamalaking Filipino. Tumindig ka at ipakita mong marangal at masipag ang lahi mo hanggang makilala tayo.

Sa ganitong mga panahon nasusubok ang tibay at galing ng Pinoy.  Kung hindi tayo mismo ang tatayo at magbabangon sa ating bayan, sino?  Gamitin sana natin ang ating mga pagkakamali at pagkukulang bilang isang bayan upang tayo ay matuto at magbago. Umasa ka, malalampasan natin ito.  Uunlad din tayo.  Hahangaan ng buong mundo.  Mabuhay ka, kabayan!   Marangal, magaling at magiting ang lahi mo!


Tuesday, August 24, 2010

10 Habitos Que los Filipinos Deberian Aprender de los Españoles (1ª parte)

Después de vivir en España durante un par de años, he visto costumbres que para  muchos españoles es algo normal en su día a día. Pero para los filipinos, estas maneras pueden parecer ridiculas o sin sentido. Sin embargo, a medida que los observo, estas pequeñas cosas dan resultado: hacen que la vida sea mas fácil para todos y ponen orden en las cosas que uno hace.

También podríamos aprender estas cosas, aplicarlas y enseñárselo a nuestros kababayans cuando fuéramos a Filipinas. Quien sabe, quizá ayude a poner orden y disciplina a nuestra caótica sociedad Filipina. Aquí tenéis 10 costumbres que podríamos aprender de nuestros hermanos españoles.


             1.   Tienes libertad de expresión. Hay que discutir, pero no hay sitio                          para la violencia en una sociedad civilizada.  

He visto a conductores españoles discutir en la carretera. Algunos incluso bajaban de sus coches, se ponían cara a cara y se ponía discutir a grito pelado con el otro conductor. Pero ninguno tocaba al otro. Y cuando el semáforo se ponía en verde, los conductores volvían a sus vehículos y seguían conduciendo. En Filipinas, este tipo de confrontaciones suelen acabar en tiroteos, con un conductor muerto y el otro fugitivo. Son llevados por la fuerza de la discusión pero no por la pelea. Y además, el otro podría llevar una pistola mas grande!


2. Clasifica tu basura. Tiralo en sus correspondientes contenedores a la hora que toca.

Aun me acuerdo de la publicidad que daban por la tele en Filipinas hara una década: Toda la basura que acumules, te sera devuelta (con videoclips de  residuos y desechos flotantes entrando por las casas durante la época de lluvia.) Los urbanistas dicen que la mayoría de inundaciones que se producen en Manila cada año es a causa de los residuos atascados en los canales. Aquí en España, hay papeleras en casi todas partes (en las calles, parques y playas)  Enormes containers de colores para los reciclables, biodegradables y para el  vidrio son accesibles. Es increíble como los españoles se manejan con sus propios desechos: bien clasificados y echados a sus respectivos containers a su debida hora. No me extraña que no haya visto ninguna bolsa de basura flotando durante los días de lluvia.


3. El verde significa en marca, el amarillo significa disminuya la velocidad y el rojo detener el paso. Obedece a las señalizaciones de trafico. Son leyes no sugerencias.

España: Pasada la media noche. Hay pocas personas en la calle. El conductor español llega a la intersección. El semáforo esta en rojo. No hay peatones cruzando el paso de cebra, no hay policías vigilando. El conductor español se detiene, espera a que el semáforo se ponga en verde y conduce con precaución para volver a casa.

Manila: 02:00 horas. El conductor filipino vuelve a casa después de la juerga.  Se detiene en la intersección. El semáforo se pone en verde. El conductor filipino no reanuda su marcha, esta ocupado escribiendo mensajes de texto. El vehículo que circula por detrás esta echando humos. El conductor filipino le hace “la butifarra” y le envía a tomar por culo al otro conductor antes de seguir en marcha. Antes de llegar al siguiente cruce, el semáforo esta en amarillo. El conductor filipino conduce mas deprisa (claro, el amarillo significa que conduzcas a toda pastilla). Llega al siguiente cruce y el semáforo esta en rojo. Aminora el paso, mira a su derecha e izquierda y sigue conduciendo. Ni siquiera vio el camión que iba con exceso de velocidad y chocaba con su coche. Y fijo a este conductor filipino, lo ultimo que se le paso por la cabeza antes de morir era “ Maldito sea el conductor del camión, se paso el semáforo en rojo”.


4. Si tu destino esta a 4 manzanas, ves caminando. Caminar es un buen ejercicio. Es bueno para el bolsillo y para el medio ambiente.

Cuando llegue a España, un amigo mio español me dijo que el sitio a donde íbamos se podía llegar a pie. Y caminamos unos 40 minutos, no había caminado tanto, con perdón, en toda mi vida filpina! Me di cuenta que a todos los de España les encantaba caminar, hasta los mas mayores. Todos excepto los ignorantes,perezosos, ricos y poderosos turistas filipinos, quienes piensan que porque se hayan podido permitir visitar España, creen que no deberían sufrir largas caminatas.  Con sus egos por las nubes y sus aires de mandamás creen estar por encima del suelo y que van levitan por España.

Pero en serio, para caminar no necesitas ninguna explicación. Tus piernas están echas para andar. Caminar es sano. El caminar te ahorra dinero, que te gastas en pagar la gasolina y productos del carbón que contaminan el medio ambiente. Si no te lo crees, pues cree que Dios quiere que camines. Sino, te hubiera dado sillas de ruedas en vez de piernas.
  

5. Bebe vino pero no te emborraches.

Una copa de vino es saludable. Muchos de los españoles beben vino (y cerveza!) en las comidas (ya creo que si, en el desayuno,comida y cena). Y he visto a algunos emborracharse y montar un follón (yo diría que a veces están pasados de vueltas) Pero un español borracho es mas bien una excepción, porque aparentemente saben tener un control cuando se van de copas. Lo hacen por pura diversión y para socializarse. Esto también pasa en Filipinas, excepto que la mayoría parecen beber para acabar cogiendo una trompa. Y cuando los filipinos estan borrachos, se convierten en super héroes: inmortales, sin temores y sordos. Si pudiéramos beber y dejar que el alcohol recorra nuestro estomago en vez de bombear el alcohol hacia nuestra cabeza, las calles y los bares de Manila serian mucho mas seguras. Para la próxima vez que vayamos de vacaciones, recordemos y de paso a nuestros acompañantes que estamos allí para divertirnos y no para morir. Salud!

(Continuará)