Bilang ng Mga Bisita

Sunday, July 4, 2010

Maling Akala

Sa pagtungtong ko sa Barcelona, akala ko nakatakas na ako sa mga mandurukot na naglipana sa Cubao?  Yun pala, hindi!    Tulad sa Manila, halos ipasok ko na sa baga ko ang bitbit kong bag para mailayo sa mabibilis na kamay ng mga kawatan dito sa Barcelona.  Nakakatakot din magtext sa matataong lugar at baka sa isang kisapmata eh maglaho ang celfone ko.  At sa tuwing maglalakad ako sa Las Ramblas ay nakaheightened alert ang mga senses ko, idagdag mo pa ang spider sense.  Mukhang sa Barcelona, di natanggal ang pagkapraning ko. 

Pero at least sa Pilipinas, me XXX at investigador na sumusubok na hulihihin ang mga kawatan.  Samantalang dito sa Barcelona, magngangangawa ka man sa harap ng pulis, wala sila magagawa kundi gawan ka ng denuncia (police report). 

**********
Ang akala ko, dahil ang mga Kastila ang nagbahagi sa atin ng Kristiyanismo, ay relihiyoso sila.  Kung hindi man relihiyoso, at least may interes na makinig sa mga Salita ng Diyos.  Isa na namang maling akala. Pagpasok ko sa isang misang espanyol, nagulat ako sa nakita ko.  Halos 5 dipa ang layo ng mga nagsisimba sa isa’t-isa at puro mga naka fur coat pa (winter kasi noon)!  Sa Barcelona, tanging mga me edad na lang ang nagpu-fur coat.   Marahil dahil mas conscious na ang mga kabataan sa animal welfare protection o dahil sobra namang init magfur coat sa isang bansang di naman lagi nagsnow.

Kabaligtaran ang eksenang ito sa nagaganap sa simbahan ng mga Pilipino sa Espanya.  Nakatutuwang makita na marami pa rin sa ating mga kababayan ang may pananampalataya sa Diyos.  Tanging hiling ko lang sana ay mas gamitin ang panahong iyon upang makipag-usap sa Diyos at hindi sa katabi.

***********
Bago pa man ako pumunta sa ciudad na ito ay madalas ko syang mabasa sa mga pahayan.  Kadalasan sa business page, dahil sa dami ng trade fairs na ginagawa dito, at sa promosyon ng ciudad bilang “gateway” sa Europa naisip ko dahil business-oriented sila eh marami rin naman sigurong nagsasalita ng ingles.  Natuwa ako at mukhang di ako mahihirapan mag-adjust dahil habang hinahasa ko ang aking espanyol eh pwede naman ako mag-ingles.  Pero, hindi, hindi, hindi (parang linya sa pelikula ah). 

Pumunta ako sa PC City para bumili ng computer.  Dahil masyadong technical ang gusto kong malaman, naghanap ako ng English-speaking.  Meron naman daw pero kailangan kong maghintay.  Matapos gn 15 minuto eh na-atenderan naman ako.  Pero kamukat-mukat mo hanggang “how may I help you” lang kaya nya sabihin. Nyak!

Madrid o Barcelona?




Madalas na usap-usapan kapag nagkikita ang mga Pinoy mula sa iba´t-ibang panig ng Espanya kung alin ba talaga ang tunay na mas maganda: Madrid o Barcelona?  Ewan ko ba kung bakit malimit ikumpara ang dalawang ciudad na ito.  Pati ako minsan natatanong, ano daw ang palagay ko.  Sabi ko naman, hindi ako mapalagay.

**********

Pareho ko ng napuntahan ang Madrid at Barcelona.  At nakita ko na ibang-iba ang dalawa.  Sa Madrid nandoon ang malalaking mga gusali, palasyo at museo.  Marami din silang linya ng metro o tren. Maraming Pinoy sa Madrid, kaya lang magkakalayo ang kanilang mga bahay o trabaho. Kaya madalas kapag Linggo, nagtitipon-tipon sila sa simbahang Pilipino tapos ay kakain ng crispy pata o dinuguan sa panaderia ni Aling Linda malapit sa simbahan sa Plaza Castilla.

**********

Sa Barcelona naman, laging ipinagmamalaki ng mga Pinoy doon ang pagkakaroon nila ng beach o playa.  Tuwing Sabado at Linggo kapag summer ay siguradong may mga Pinoy na nagpipiknik sa beach malapit sa Diagonal Mar (Mar Bella).  Mahina na ang 3-5 grupo ang sabay-sabay pumupunta doon daladala ang banig at mesa.  Kanya-kanyang baon ng mga pagkaing Pinoy. Naisip ko na kapag nasa Barcelona ako at walang makain pag weekend, ako ay daraan doon, maki osyoso at syempre, makikain.  Siguro naman hindi ako papahiyain pag lumapit ako at sinabing "Uyy, ano yang baon nyo, BBQ?  Ang sarap naman!"

**********

Sa Barcelona, ang daming Pinoy sa may Barrio Raval!  May pagupitan, tindahan, mga remittance center, real estate agents at restauranteng Pinoy.  Nung lumakad ako sa Calle Joaquin Costa at Valldonzella, para akong nasa Pilipinas!  Kumpleto!  Pati mga nakasampay na labadang kumot at damit sa mga bintana, parang Pilipinas talaga.

**********

Sa football, matindi ang kumpetisyon ng dalawang ciudad na ito.  Kulang na lang ay magsuntukan ang mga fans ng Real Madrid at FC Barcelona tuwing maglalaban sila.  Ngayong taon at noong nakaraan, FC Barcelona ang champion sa liga.  pero mas dominante naman ang Real Madrid noong mga nagdaan pang taon.  Para safe, meron akong jersey ni Ronaldo ng Real Madrid at Messi ng FC Barcelona.  Kung nasa Madrid ako, aba syempre sa Real Madrid tayo!  Pero kapag nasa Barcelona naman, aba eh, Visça Barça!!!!

*********

Sa tingin ninyo, ano ang mas maganda: Madrid o Barcelona?  Alin ang mas magaling: Real Madrid o FC Barcelona?  At huwag nyong sasabihing hindi kayo mapatingin, walang salitang ganun!

*********

Learn Spanish
Vocabulary Tagalog to Spanish:  Ano??!  :  Que??!

Football at Rebajas

Kaninang gabi (kung matatawag ngang gabi kahit may araw pa pero pasado alas dies na), tinalo ng Spain ang Paraguay sa FIFA World Cup 2010.  Ang score 1:0.  Pasok na ang Spain sa semi-finals, kakalabanin ang Germany sa susunod.  Syempre, tuwang-tuwa ang mga Espanyol.  Nagsisigawan, nagbubusina sa kalye ang mga  driver ng sasakyan.  Parang noong araw pag nananalo ang Ginebra sa PBA.  Isipin mo, dehado ng 4 points ang Ginebra sa Game 7, last 5 seconds, bola pa ng kalaban.  Tapos biglang inagaw ni Jaworski ang bola at nagshoot from the midcourt.  Pasok, may foul pa!  So may free throw si Jawo.  Pag napasok nya, may overtime.  Kaya lang, sadya nyang imimiss yung free throw at irerebound yung bola.  Last one second, patalikod nyang ibabato ang bola sa ring.  Pasok!!!!  Masaya ang mga fans ng Ginebra, nagwawala ang buong barangay!  Ganun kanina ng manalo ang Espanya.  Hindi pa championship yan!

**********

Dati, hindi ako mahilig sa football, super duper boring!!!  Nung nasa Pilipinas pa ako, at may football sa tv, nanunuod lang ako ng mga 10 minutes.  Sinisipa ang bola, pinapasa, inaagaw, kabila naman ang sisipa, maaagaw, lalabas ang bola.  Opppsss, 10 minutes na, wala pang nangyayari.  Lipat na lang ng channel sa HBO.

**********

Hindi kasi katulad ng basketball ang football.  Pero basketball naman ang uso sa Pilipinas.  Sa football, 90 minutes na takbo, sipa, agawan, pero pwedeng matapos ang laro na walang nakaka score.  Sa basketball, ang daming score!  Wala pa akong nabalitaang basketball game na natapos na walang puntos, haaaahhh!!!

*********

Ewan ko ba bakit mahilig ang mga Pinoy sa basketball, eh maliliit naman tayo.  Impluwensya siguro ng mga Amerikano.  May mga nagsasabi na football ang bagay sa atin kasi maliksi at mabibilis tumakbo ang mga Pinoy. Yung isang kaklase ko na lang nung elementary, pag may kainan, ZOOOOOMMMM!!!!  Nasa harap ng pila sa pagkuha ng pagkain kaagad.  Six years kami sa elementary, laging sya ang nauuna.  Eh kung nagfootball sya at lagyan ng pagkain sa likod ng net, ewan ko na lang kung mahahabol pa sya ng mga taga-depensa pag sya ang may dala ng bola.

*********

At may ilang araw na rin mula ng magsimula ang rebajas o sale dito sa Espanya.  20%-50% ang discount, minsan mas malaki pa.  Kaya naman pila pila sa mga tienda.  May iba akong kaibigan, bumibili ng kahit ano, maka rebajas lang.  Kahit naman hindi nila kailangan, bumibili, makamura lang.  Sa isip nila, nakatipid pa rin  sila.  Sale nga naman kasi.

*********

Ano kayang bibilhin ko din ngayon rebajas?  Pantalon sa Zara? T-shirt sa H&M.  Bag sa Mango?  Sa Pilipinas din yata, sumasabay ang mga European brands sa sale.  Pero mukhang mahal pa rin pag naconvert sa peso.  Ang 15 euros na t-shirt ay 800 pesos na rin.  Mas mura pa rin sa Divisoria at Greenhills.

*********

Bakit dito sa Spain sarado ang mga tienda tuwing Linggo?  Yun pa naman ang madalas na bakasyon ng mga tao.  Hindi tulad sa Pilipinas na Mall Day ang Sunday.  Pagkatapos magsimba, diretso sa mall ang pamilya.  O di kaya, sa mall na nagmimisa, tapos sa food court na kakain after ng communion.  May iba, tumitingin-tingin lang o magmemeryenda.  Meron naman ang hilig ay window shopping.  Pero meron din nagpapalamig lang sa libreng aircon ng mall.

**********

Pero dito sa Spain, dahil sarado ang mga tienda, hindi makapag shopping ang mga Pilipin pag Linggo.  Kaya madalas, namamasyal lang sa park o sa beach.  O di naman kaya ay nasa bahay, nagvivideoke, nanood ng TFC o nagse celebrate ng birthday.  Kaya pag wala kang naihandang regalo sa nag imbita sa iyo, sorry na lang at wala ng mabilhan pag Linggo.  Minsan ok na rin yun kasi may excuse ang mga katulad kong kuripot o walang pera kung bakit walang bitbit na regalo para sa may birthday.

*********

Learn Spanish
Vocabulary Tagalog to Spanish:   sayang   :   lastima

Mga Kalapati sa Espanya

Galing ako sa birthday ng isang Pinoy kanina.  Halos lahat ng birthday na napuntahan ko dito, Sabado o Linggo ang celebration, kung kelan bakasyon ng mga tao.  Kaya madalas, tapos na ang talagang araw ng birthday pag nagcelebrate ang mga tao, usually, the following Saturday or Sunday.  Medyo panis na kung baga.  Wala pa akong naririnig na advance ng ilang araw nagcelebrate ng birthday, laging the weekend after.  Ayaw siguro nilang maging assuming na mararating pa nila ang kanilang kaarawan na may ilang araw pa ang lilipas.  Baka nga naman maudlot pag inunahan.

******************

May mga pagkaing laging inihahanda pag may birthday ang mga Pinoy dito sa Espanya.  Nandyan ang walang kamatayan pansit, BBQ, at cake (na tinatawag na pastel).  Depende din kung taga saan ang celebrant.  Pag Bicolano, may laing o bicol express.  Pag Ilocano, may pakbet at papaitan.  Pag taga Batangas naman, may pulutang laman loob ng kambing (nakalimutan ko ang pangalan, parang hindi tagalog) at minsan, may sinukmani (hindi ito mani na may sinok).  Hindi pa ako naiimbita sa birthday ng taga Capiz kaya hindi ko alam anong specialty nila.

******************

Balik sa kalapati, nakita yung isang kalapati na nakatabi lang sa pader malapit sa nilalakaran ng mga tao.  Naisip ko, anong ginagawa ng kalapati dyan eh gabi na??!  Napangiti tuloy ako at naisip ko ang mga kalapati sa Pilipinas na gabi lumalabas.  Ganun pa kaya ang tawag sa kanila ngayon?

*****************

Itong kalapating ito, napansin ko, hindi yata makalipad.  Mas lalo tuloy akong napangiti.  Mas mabuti pa ang mga kalapati sa Pilipinas, mababa ang lipad (pero nakakalipad pa rin kahit papano).  Ito, nasa tabi lang ng pader.  Baka matapakan ng mga tao, kawawa naman.  Ewan ko lang kung krimen dito ang pagtapak sa kalapati.

****************

O di kaya ay kainin ng pusa!  Pero miminsan pa lang ako nakakita ng pusang gala dito sa Espanya.  Hindi tulad sa Pinas, maraming pusakal.  Pero nung nauso na ang siopao, parang kumunti na rin yata ang mga pusakal.  MEOWWWWW PAAAOOOO!!!

****************

Ang tataba ng mga kalapati dito, marami kasing nakakain.  Pati mga turista kung minsan, bumibili ng pagkaing ibon at pinapakain ang mga kalapati habang nagpapa picture.  Sa Pinas minsan, yung kalapati ang kinakain.

**************

 Learn Spanish
Vocabulary Tagalog to Spanish:  Kalapati  :  Paloma