Bilang ng Mga Bisita

Wednesday, September 8, 2010

Of Blood and Vampires: Tengo Sangre de Sibarita

Naniniwala ba kayo sa bampira o sa aswang?  Ayon sa mga kwento, ang aswang ay isa sa mga kinakatakutang kampon ng kadiliman sa Pilipinas.  Ang mga ito ay may kapangyarihan na katulad ng pinaghalong bampira at bruha.  Sila ay may mga pakpak at nahahati ang mga katawan upang makalipad.  Sinasabing hindi lang sila umiinom ng dugo ng tao kung hindi kumakain din ng mga sanggol.  Sa makatuwid, sila ay mga alagad ng demonyo, sila ay nakakatakot, sila ay makapangyarihan.

**********

Ang mga aswang daw ay laganap sa Kabisayaan lalo na sa mga probinsya ng Capiz, Iloilo at Antique.  Subalit napabalita na mayroon na ring mga aswang sa iba pang mga probinsya, pati na sa Manila.  Sila ay kilala rin sa tawag na manananggal, tik-tik, wak-wak, at soc-soc.  Sinasabing ang mga aswang ay maaring mabuhay na parang ordinaryong tao lamang na parang galing sa barrio, mahiyain, tahimik, at malayo sa tao.  Hanggang sa pagsapit ng dilim at sila ay nauhaw.... at nag-iibang anyo.  Isipin niyo, baka may kapitbahay kayo sa Pilipinas na ganito.  Paano na ang mga pamilya niyo?

**********

Sinasabing mayroon daw mabisang pangontra sa mga aswang: ang makapangyarihan at masarap na bawang.  Napansin niyo bang ang mga bawang dito sa España ay mas malalaki kaysa sa mga bawang sa Pilipinas na mahirap pang balatan?  Ayon sa mga doctor at scientists, ang bawang daw ay maganda sa katawan dahil nakakapagpababa ng blood pressure at lumalaban sa infection.  Ayon naman sa mga albularyo at sa mga may agimat, mabisa nga daw ang bawang laban sa mga aswang.  Kaya kung kayo ay magpapadala ng mga gamit at regalo sa Pilipinas ngayong pasko, samahan niyo ng bawang.  Hindi natin alam, baka biglang mauhaw at magutom ang kapitbahay ninyong aswang.

**********

Maliban sa bawang, nakakapatay din daw ng aswang ang silver bullets at matulis na kahoy o kawayan.  Ang mga ito rin ang madalas nating makitang ginagamit sa mga pelikula upang puksain ang mga nakakatakot na aswang.  Subalit dahil mahal naman ang silver bullets, at malapit ng maubos ang mga kahoy at kawayan sa Pilipinas, mas maganda pa ring gumamit ng bawang.  Kung namamahalan pa rin kayo sa bawang, pumunta lang sa tindahan at bumili ng Boy Bawang at ito ang ipakain sa bisita ninyong aswang.

**********

Upang hindi masayang ang ating mga dugo na posible lamang na gawing meryenda ng gutom na aswang, bakit hindi tayo mag-donate ng kaunti para sa mga nangangailangang may sakit sa ospital?  Alam ba ninyong may mga namamatay dahil nauubusan ng dugo, kahit sa mga ospital?  At maganda raw ang pagdodonate ng dugo sa ating katawan, kasi napapalitan ng bagong dugo ang dumadaloy sa ating mga ugat.  Sa maiksing salita, hindi lang tayo makakatulong sa mga pasyenteng nasa bingit ng kamatayan, kung hindi napapaganda pa natin ang ating sariling katawan.  Masakit ba ang magdonate ng dugo?  Hindi, kabayan!  Mas masakit ang kagatin ng aswang.

**********

Sa mga kababayan natin na nasa Barcelona, heto tignan ninyo.  Kung magdodonate kayo ng dugo, ipagluluto at papakainin kayo ng mga pinakasikat at pinakamagagaling na chef ng Cataluña na sina Fermi Puig, Ada Parellada, at Fabián Martín.  I-click ang link sa ibaba upang magpareserba.  Sigurado, maraming magdodonate ng dugo kaya makisama at magvolunteer din tayong mga Filipino.  La donación de sangre es un gesto de civismo y de responsibilidad hacia el conjunto de la sociedad.  Kaya lang, wala kayang mga aswang na makakaamoy sa mga dugo?


                                                        http://www.tincsangde.org/sibarita/



**********

Bonus video kung kailangan ninyo ng superhero:

Sunday, September 5, 2010

Volver a Empezar Otra Vez

Como pasa el tiempo y sin darme cuenta Septiembre ya esta aquí. El tiempo vuelve a estar nublado, las ráfagas de viento invaden la ciudad quedandose atrás esos días calurosos de Agosto en las playas de la costa tomando un par de cañas y tapas. La gente con sus paraguas, camisetas de manga corta y pantalones cortos otra vez en el armario y se vuelven a llevar jerseys, chaquetas,botines. Las calles de la gran ciudad vuelven a llenarse de hojas caídas de los arboles estilo Otoño en Nueva York.

*********

Aquellas tardes soleadas y alegres en que solía ir a pasear después de un día largo de trabajo o porque había quedado con amigos se convierten en tardes oscuras y frías. Adiós a las rebajas de Julio y Agosto, a los chipirones y patatas con allioli que me tomaba en alguna terraza de algún bar por el centro, a las fiestas nocturnas en la playa, a las fiestas de espuma de la piscina que solíamos ir, a los helados, al granizado de limón que tanto me gusta..Pero mirándolo así, vuelvo a disfrutar de las tardes tumbada en el sofá de mi casa, delante del televisor, con una manta y mis churros con chocolate...buenissssimo!!!

**********

Esta época del año me trae muchos recuerdos, especialmente durante mi infancia. Es la época de la vuelta al cole. El "El Corte Ingles" solía invadir el espacio publicitario que pagaban con un temazo que sonaba asi: "Volver a empezar otra vez, volver a estrenar zapatos y libros, volver a encontrar a viejos amigos y juntos volver a empezar" Que niño no se ha memorizado esta estrofa durante su infancia, es que no ha vivido su infancia en los años 90.

**********


Solía ir con mi madre y mi hermano a comprar material escolar en la papeleria debajo de casa. Pilots de diferentes colores específicamente del 0.5 el azul para la parrafada que nos hacian escribir, el rojo para titulos y el negro para subtitulos,colores Steadtler (son mis preferidos) otros utilizaban Plastidecor, pegamento, tijeras, goma, saca puntas, lápiz de dibujo y lápiz de minas (si eras uno de los que tenias este tipo de lápiz, te sentías superior a los que tenían un lápiz de sacar puntas) y todo lo que necesitaba para empezar el cole.

**********

La vuelta al cole era un éxtasis para algunos y un calvario para otros. Yo me lo tomaba bien por eso, no por que empezaran las clases nada menos, sino porque iba a volver a ver a mis compañeros de clase e incluso podía haber algún niño nuevo en el cole que solía convertirse en el centro de atención durante la primera semana del curso. Por ser nuevo y todo eso..

**********

También es la época en que todos teníamos ganas de contarnos lo que habíamos estado haciendo los tres meses de vacaciones, donde habíamos ido, las fiestas,las carpas en las que habíamos estado, los botellones de verano, las juergas, las escapadas, los ligues de verano...

**********

Empezar un nuevo curso nunca ha sido facil, adaptarse a la rutina del lunes-viernes de 8:00 a 17:00 es un coñazo, pero se sobrelleva cuando estas con amigos y cuando te lo pasas bien en medio de clase. Examenes, trabajos en grupo, exposiciones vuelven a robarme el tiempo pero siempre estan las fiestas del colegio, excursiones, salidas culturales que aprovechamos muy bien sobretodo porque nos escaqueamos de las clases.

**********

Como voy a echar de menos el verano pero aun no se ha acabado. En Cataluña nos queda Les festes de la Merce, els correfocs, els gegants, mucha fiesta y mucha cerveza que beber!!!

Con todo esto, me he dado cuenta que Septiembre es una buena época para recordar y para volver a empezar.

Wednesday, September 1, 2010

Ang Pulis at Ang Pinoy

Si Spanish Pinoy ay nakikiramay sa ating mga kaibigang Chino sa nangyaring karasahan noong Agosto 23, 2010 sa Manila kung saan walong turista ang namatay dahil sa isang dating Filipino pulis na si Rolando Mendoza. Ang ganitong karahasang kumitil sa buhay ng mga bisita sa aming bayan ay walang lugar sa isang sibilisadong lipunan.

Ako ay nakikiramay din sa aking mga kababayang Filipino sa buong mundo na, dahil sa pangyayari, ay umaani ng mga puna, kung hindi man panlalait, ng mga iba´t ibang lahi na nakapanood sa mga pangyayari.

Bilang isang Filipino, masakit panoorin at balikan ang insidente, lalo na at alam ko na ito ay nasaksihan ng buong mundo. Subalit kailangan kong harapin at tanggapin na ang aking bayang pinagmulan ay isang mahirap na bansang  umaasahang umunlad. Maraming pagkukulang na dapat punan, maraming mali na dapat itama. Mahirap ang mga tao at ang gobyerno. May mga krimen na dapat puksain. Subalit ito ang mga realidad sa bayan ko, sa bayan natin.

Ngunit huwag sana nating hayaang ang pangyayaring ito ay pumatay din sa ating diwa at dangal bilang mga Filipino. Sa mata ng buong mundo, maaring si Pinoy ay lalo pang lumiit. Pero sa kaibuturan ng ating pagkatao bilang mga Filipino, huwag sana nating ibaon ang maliit na tinig na nagsasabing si Pinoy ay magaling, marangal, magiting. Payabungin natin ang tinig na ito hanggang muli ay maging isang sigaw, isang sigaw na uugong sa apat na sulok ng mundo.

Kasabay ng ating taimtim na pag-asang balang araw ay aahon ang lahi ni Juan, ituloy natin ang pagtatrabaho at pamumuhay nang ayon sa magagandang asal na itinuro sa ating bayan. Dito sa Espanya, patuluin ang pawis ng Pinoy at ipakita sa mga restaurant, bahay at empresa na ang manggagawang Filipino ay mahusay at maaasahan. Muli nating ipakita nang buong yabang sa ating mga kapatid na Espanyol na ang Pinoy ay hindi magnanakaw at kriminal. Tayo ang mukha ng Filipino: ang ating mahusay at tapat na pagtatrabaho at maayos na pagtrato sa ibang tao.

At higit sa lahat, ikwento natin sa mga bata kung gaano karangal ang Filipino at kung gaano kaganda ang ating bayan. Huwag nating hayaang ang mga kabataang pag-asa ng ating bayan ay mawalan ng yabang at pagmamahal sa ating bayan. Ikwento at kilalanin natin sina:

1.     Carlos P. Romulo, ang unang asyanong naging Presidente ng United Nations General Assembly. Noong ginagawa ang official seal ng United Nations, hinanap ni Carlos P. Romulo ang Pilipinas sa mapang nakalagay sa seal. Ang sagot sa kanya ng US Senator Warren Austin, "It's too small to include. If we put the Philippines, it would be no more than a dot."  "I want that dot!", giit ni Romulo. Ngayon, mayroong tuldok sa pagitan ng Pacific Ocean at South China Sea sa seal ng United Nations.

2.     Efren Peñaflorida, nagtutulak ng kariton na may bandila ng Pilipinas. Ang karitong ito ang kanyang ginagamit upang turuan ang mga street children sa ating bayan kahit sa mga sementeryo, kalsada at bundok ng basura. Noong 2009, siya ay kinilala ng buong mundo bilang CNN Hero of the Year.

3.     Manny Pacquiao, ang hari ng boksing sa buong mundo. Efren “Bata” Reyes, ang hari ng billiards sa buong mundo. Paeng Nepomuceno, ang hari ng bowling sa buong mundo.

4.     Nestor Suplico, ang “New York´s Most Honest Taxi Driver”. Si Suplico ay pinarangalan dahil sa pagbabalik ng mga mahahaling perlas na humigit $70,000 na naiwan sa kanyang taxi habang siya ay nagmamaneho sa New York noong 2004.

5.     Josette Biyo, isang guro na nag-aral sa mga pinakamagagaling na universidad sa Pilipinas. Iniwan niya ang marangyang sahod ng pagtuturo sa malalaking eskwelahan at siya ay nagturo sa mga bata sa liblib na barrio kung saan ang sahod niya ay mababa pa sa 250 euros. Dahil sa kanyang kakaibang sakripisyo ay ginawaran si Dr. Biyo ng Massachusettes Institute of Technology (MIT) ng isang kakaibang parangal: pinangalanan ang isang bagong diskubreng planeta sa ating galaxy bilang “Biyo”.  Ayaw mong maniwala?  Sige, igoogle mo.

7.     Melitza Anne Chan, isang nurse mula sa Iloilo at nagtatrabaho sa Saudi Arabia. Ibinalik niya ang 10 million Saudi Riyals (mahigit 150 million pesos) na, dahil sa pagkakamali, ay pumasok sa kanyang bank account.

8.     Allan Pineda, ang sikat na miyembro ng Black Eyed Peas na nagbigay pugay sa kanyang bayang pinagmulan sa pamamagitan ng kantang “Bebot” na naging international hit.

9.     Jesus Sumook, isang Filipino seaman, na itinaya ang sariling buhay upang sagipin ang isa pang marinero na nahilo at nahulog sa shaft ng barkong Saga Spray. Kinilala siya ng Swedish Mercantile Marine Foundation dahil sa kanyang kabayanihan.

10.  Ikaw, isang OFW dito sa Spain. Oo, ikaw! Katulad nila, at marami pang iba (Charice Pempengco, Lea Salonga, Paulino Alcantara, atbp.), ikaw ay isang ipinagmamalaking Filipino. Tumindig ka at ipakita mong marangal at masipag ang lahi mo hanggang makilala tayo.

Sa ganitong mga panahon nasusubok ang tibay at galing ng Pinoy.  Kung hindi tayo mismo ang tatayo at magbabangon sa ating bayan, sino?  Gamitin sana natin ang ating mga pagkakamali at pagkukulang bilang isang bayan upang tayo ay matuto at magbago. Umasa ka, malalampasan natin ito.  Uunlad din tayo.  Hahangaan ng buong mundo.  Mabuhay ka, kabayan!   Marangal, magaling at magiting ang lahi mo!


Tuesday, August 24, 2010

10 Habitos Que los Filipinos Deberian Aprender de los Españoles (1ª parte)

Después de vivir en España durante un par de años, he visto costumbres que para  muchos españoles es algo normal en su día a día. Pero para los filipinos, estas maneras pueden parecer ridiculas o sin sentido. Sin embargo, a medida que los observo, estas pequeñas cosas dan resultado: hacen que la vida sea mas fácil para todos y ponen orden en las cosas que uno hace.

También podríamos aprender estas cosas, aplicarlas y enseñárselo a nuestros kababayans cuando fuéramos a Filipinas. Quien sabe, quizá ayude a poner orden y disciplina a nuestra caótica sociedad Filipina. Aquí tenéis 10 costumbres que podríamos aprender de nuestros hermanos españoles.


             1.   Tienes libertad de expresión. Hay que discutir, pero no hay sitio                          para la violencia en una sociedad civilizada.  

He visto a conductores españoles discutir en la carretera. Algunos incluso bajaban de sus coches, se ponían cara a cara y se ponía discutir a grito pelado con el otro conductor. Pero ninguno tocaba al otro. Y cuando el semáforo se ponía en verde, los conductores volvían a sus vehículos y seguían conduciendo. En Filipinas, este tipo de confrontaciones suelen acabar en tiroteos, con un conductor muerto y el otro fugitivo. Son llevados por la fuerza de la discusión pero no por la pelea. Y además, el otro podría llevar una pistola mas grande!


2. Clasifica tu basura. Tiralo en sus correspondientes contenedores a la hora que toca.

Aun me acuerdo de la publicidad que daban por la tele en Filipinas hara una década: Toda la basura que acumules, te sera devuelta (con videoclips de  residuos y desechos flotantes entrando por las casas durante la época de lluvia.) Los urbanistas dicen que la mayoría de inundaciones que se producen en Manila cada año es a causa de los residuos atascados en los canales. Aquí en España, hay papeleras en casi todas partes (en las calles, parques y playas)  Enormes containers de colores para los reciclables, biodegradables y para el  vidrio son accesibles. Es increíble como los españoles se manejan con sus propios desechos: bien clasificados y echados a sus respectivos containers a su debida hora. No me extraña que no haya visto ninguna bolsa de basura flotando durante los días de lluvia.


3. El verde significa en marca, el amarillo significa disminuya la velocidad y el rojo detener el paso. Obedece a las señalizaciones de trafico. Son leyes no sugerencias.

España: Pasada la media noche. Hay pocas personas en la calle. El conductor español llega a la intersección. El semáforo esta en rojo. No hay peatones cruzando el paso de cebra, no hay policías vigilando. El conductor español se detiene, espera a que el semáforo se ponga en verde y conduce con precaución para volver a casa.

Manila: 02:00 horas. El conductor filipino vuelve a casa después de la juerga.  Se detiene en la intersección. El semáforo se pone en verde. El conductor filipino no reanuda su marcha, esta ocupado escribiendo mensajes de texto. El vehículo que circula por detrás esta echando humos. El conductor filipino le hace “la butifarra” y le envía a tomar por culo al otro conductor antes de seguir en marcha. Antes de llegar al siguiente cruce, el semáforo esta en amarillo. El conductor filipino conduce mas deprisa (claro, el amarillo significa que conduzcas a toda pastilla). Llega al siguiente cruce y el semáforo esta en rojo. Aminora el paso, mira a su derecha e izquierda y sigue conduciendo. Ni siquiera vio el camión que iba con exceso de velocidad y chocaba con su coche. Y fijo a este conductor filipino, lo ultimo que se le paso por la cabeza antes de morir era “ Maldito sea el conductor del camión, se paso el semáforo en rojo”.


4. Si tu destino esta a 4 manzanas, ves caminando. Caminar es un buen ejercicio. Es bueno para el bolsillo y para el medio ambiente.

Cuando llegue a España, un amigo mio español me dijo que el sitio a donde íbamos se podía llegar a pie. Y caminamos unos 40 minutos, no había caminado tanto, con perdón, en toda mi vida filpina! Me di cuenta que a todos los de España les encantaba caminar, hasta los mas mayores. Todos excepto los ignorantes,perezosos, ricos y poderosos turistas filipinos, quienes piensan que porque se hayan podido permitir visitar España, creen que no deberían sufrir largas caminatas.  Con sus egos por las nubes y sus aires de mandamás creen estar por encima del suelo y que van levitan por España.

Pero en serio, para caminar no necesitas ninguna explicación. Tus piernas están echas para andar. Caminar es sano. El caminar te ahorra dinero, que te gastas en pagar la gasolina y productos del carbón que contaminan el medio ambiente. Si no te lo crees, pues cree que Dios quiere que camines. Sino, te hubiera dado sillas de ruedas en vez de piernas.
  

5. Bebe vino pero no te emborraches.

Una copa de vino es saludable. Muchos de los españoles beben vino (y cerveza!) en las comidas (ya creo que si, en el desayuno,comida y cena). Y he visto a algunos emborracharse y montar un follón (yo diría que a veces están pasados de vueltas) Pero un español borracho es mas bien una excepción, porque aparentemente saben tener un control cuando se van de copas. Lo hacen por pura diversión y para socializarse. Esto también pasa en Filipinas, excepto que la mayoría parecen beber para acabar cogiendo una trompa. Y cuando los filipinos estan borrachos, se convierten en super héroes: inmortales, sin temores y sordos. Si pudiéramos beber y dejar que el alcohol recorra nuestro estomago en vez de bombear el alcohol hacia nuestra cabeza, las calles y los bares de Manila serian mucho mas seguras. Para la próxima vez que vayamos de vacaciones, recordemos y de paso a nuestros acompañantes que estamos allí para divertirnos y no para morir. Salud!

(Continuará)

Saturday, August 14, 2010

Of Love, Sex, and Babies (Spanish Style)

Ang blog na ito ay tungkol sa isang sensitibong usapin. Rated 18. Patnubay ng magulang ay kailangan.

**********

Si Anna, 16 años, menor de edad, taga Malaga. Buntis. Si Lizette, 20 años, taga Palma de Mallorca. Kailangan daw magpakasal dahil buntis. Si Liza, 22 años, taga Barcelona, single, dalawang beses ng nagpa-abort na hindi alam ng magulang. Si Kharen, 19 años, taga Canarias, single na may isang anak. Si Tracy, 24 años, taga Barcelona, hindi makapagtrabaho dahil sa pag-aalaga ng tatlong anak. Lahat sila ay kabataang Filipina. Lahat sila ay nandito sa España. Sa tingin nila, lahat sila ay nain-love.  Lahat sila, maagang nakipag-sex.

*********

Si Lito, nasa Andorra, 17 años, dalawa na ang anak sa 18 años na nobya.  Si Rico, taga-Madrid, 19 años, katatapos lang magpakasal sa 18 años na buntis na nobya. Si Andrew sa Ibiza, 19 años, ayaw ipakasal ng magulang sa nobyang 18 años na nabuntis nya.  Lahat sila ay kabataang Filipino. Lahat sila ay nandito sa España. Sa tingin nila, lahat sila ay nain-love.  Lahat sila, maagang nakipag-sex.

**********

Ang isyu ng unplanned pregnancy ay hindi bago sa buhay ng mga migranteng Filipino, hindi lamang dito sa España kung hindi sa buong mundo. Ito ay isang katotohanang hinaharap ng mga migrante, at pati na rin ang ating mga kababayan sa Filipinas, lalo na ang mga kabataan. Ang masakit, karamihan sa mga kaso ng unplanned pregnancy ay nagdudulot ng napakabigat na suliranin sa sarili at pamilya ng mga dumaranas nito. Habang meron namang dumaan sa ganitong sitwasyon at matagumpay pa ring naipagpatuloy ang kanilang buhay, meron namang nagsasabi na ang maaga at wala sa planong pagkabuntis ay nagdulot ng problema at hindi inaasahang pagbabago sa buhay ng mga kabataang biglaang naging mga magulang.

**********

Algunas de las razones de los embarazos no deseados es por la influencia de la cultura liberal que hay aquí en España, donde los jóvenes Filipinos ven como es normal mantener relaciones sexuales a una edad temprana. Otra razón es porque se esta perdiendo progresivamente los valores Filipinos de los jóvenes que han crecido y vivido en España. Y porque la gran mayoría de padres están saturados de trabajo, muchas veces ya no están mucho por ellos, ni les prestan la atención que necesitan, ni les dan  las lecciones que deben recibir sus hijos.  

**********

Another possible reason for unplanned pregnancies is the lack or insufficient knowledge of the Filipino youth in Spain on the proper use of contraceptives like condoms and pills. Don´t get me wrong, abstinence from premarital sex is still the best way of preventing unplanned and premature pregnancies. But reality bites and tells us that not everyone practices abstinence, despite the teachings of the church and the counsel of the parents. Faced with this situation, then the proper use of contraceptives becomes a good second option.  This blog is not a judgement on values and morality.  It is about options and responsibility.

**********

Por eso, creo que  el tema del uso de anticonceptivos tiene que empezar por la familia. Ya paso a la historia eso de que se estaba prohibido hablar de ello o se consideraba tabú hablar del asunto entre hijos y padres, indistintamente si era chico o chica. Es mejor hablarlo y aconsejar a los hijos antes de que se metan en el mundo del sexo sin saber las consecuencias a las que se atienen.

*********

Sa mga magulang, baka gusto ninyong turuan ang inyong mga anak bago nila isugal ang kanilang kinabukasan. Kung kayo mismo ay kulang sa kaalaman tungkol sa paggamit ng contraceptives, maraming ahensiya ng España ang maaring magbigay sa inyo ng impormasyon, pati ang inyong mga medico. Sa mga kabataan, ´tol kunting ingat at responsibilidad. Kung pwede, huwag munang makipag-sex hanggat hindi nyo pa kayang balikatin ang maaring kahihinatnan. O kung hindi naman, gumamit ng proteksiyon. Ikaw din, baka maagang matapos ang maliligayang araw ng pagbibinata o pagdadalaga mo at maging magulang ka ng wala sa oras at plano.

**********

Actually, sinulat ko lang itong blog na ito dahil gusto kong magsulat gamit ang tatlong wika: Filipino, English, at Spanish. Nagkataon lamang na sex at contraceptives ang nasa isip ko hehehe Filipino, ang pambansang wika ng ating sariling bayan. English is our second official language and Filipinos are known worldwide to be good English speakers. Y el Español es la lengua casi olvidada que tenemos que volver a adquirir. Y, por supuesto, la lengua de nuestro segundo hogar, madre España.  

Maligayang Buwan ng Wika 2010, Filipinas!

**********

Bonus Video ng kanta ni Dolphy at Panchito:

Wednesday, August 11, 2010

Kulam in Spain (Oh, no!!!)

Nakulam yata ako.  Laging sumasakit ang likod ko, hindi matanggal-tanggal.  Nakailang bisita na ako sa medico, pinag-therapy pa ako.  Umiinom din ako ng gamot na reseta ng medico.  Pero wala pa rin, masakit talaga.  Wala namang makitang masama sa mga x-ray ko.  Ahhh... kulam na nga siguro ito.

*********

Nung tumawag ako sa Pilipinas noong nakaraang linggo, nasabi ko sa nanay ko ang problema ko.  Sakto namang nandoon sa bahay namin yung kapitbahay naming si Tandang Lucio, isang albularyo.  Nung marinig nya ang sakit ko, tinanong niya kung hinawakan daw ako ni Aling Sela, yung kapitbahay din namin sa Pilipinas na nandito din sa España, at hinihinalang isang mangkukulam.  Huwag daw akong magpapahawak sa kanya, malakas daw ang kulam niya.  Too late the hero, Tandang Lucio.  Nagkita kami sa isang birthday celebration ni Aling Sela noong Mayo.  Hindi lang kami nagbeso-beso.  Sumayaw pa kami sa ballroom pagkatapos ng party.  At siyempre, hindi lang niya ako hinawakan, kinapitan niya ako!

*********

Oo nga ano.  Parang pagkatapos ng birthday party at ballroom nagsimulang sumakit ang likod ko! Mukhang kinulam nga ako ni Aling Sela.  Balita na kasi sa barangay namin na mangkukulam siya kahit noong bata pa ako. Marami daw siyang kinulam, meron pang namatay.  Kung ano anong sakit ang dumadapo sa mga kinukulam nya: lagnat, nagsusuka (kung napakain ng may kulam), nawawala sa tamang pag-iisip.  Makapangyahihan si Aling Sela.  Malakas ang kulam niya.

*********

Ayon sa mga kwento ng mga matatanda, ang kulam ay isang uri ng itim na magic na kumokontrol, nakakasakit at nagbibigay ng malas sa ibang tao.  Meron din daw magandang kulam na kabaliktad naman ang epekto, subalit mas laganap ang itim o masamang kulam.  Ang kapangyarihan daw para mangkulam ay naipapasa sa ibang taong gusto paglipatan ng mangkukulam kapag siya ay malapit ng mamatay.  At ang balita, namana daw ni Aling Sela ang kanyang kapangyarihan mula sa kanyang ina na isa ring mangkukulam.

*********

Madalas daw gamitin sa pangkukulam ang isang itim na manika, parang voodoo doll.  Nilalagyan ito ng buhok o piraso ng damit ng biktima.  Ginagawa ang ritwal.  Saka tutusukin ng karayom ang itim na manika.  At sa eksaktong bahagi ding iyon ng katawan ng biktima ang sasakit.  Iniisip ko kung paano ako nakuhanan ng buhok ni Aling Sela.  Baka noong sumasayaw kami ng cha-cha.

**********

Akala ko naman kasi ay nawala na ang kulam ni Aling Sela noong pumunta siya dito sa España. Siguro ay nadala niya ang itim niyang manika.  Hindi naman kasi alam dito sa España na gamit sa pangkukulam iyon.  Sayang, kung nalaman ko lang sana na may kapangyarihan pa rin siya, nasuot ko sana yung kaisa-isa kong singsing na may maliit na brilyante.  Takot daw kasi ang mga mangkukulam sa brilyante.  May nagsasabi rin na takot sila sa pulang posporo at sa bala ng baril.  Pati rin daw sa cactus.

**********


Meron pa naman daw gamot sa kulam sa akin ni Aling Sela.  Magpakulo daw ako ng 7 uri ng dahon, uminom ng isang baso ng pinagpakuluan sa loob ng 7 araw.  At gamitin ko ring panligo ang tubig na pinagpakuluan sa 7 dahon sa loob ng 7 araw. Mawawala na raw ang kulam, sabi ni Tandang Lucio, ang magaling na albularyo.  Ang problema ko lang, saan ko kukunin ang 7 dahon dito sa España eh sa Pilipinas lang yata tumutubo ang mga tanim na ito?!  Magpapadala daw ang nanay ko kapag may umuwing galing España sa barangay namin.  O di kaya ay i-DHL daw niya ang mga dahon.  Sus, pwede kaya yun??!

**********

Habang hindi pa dumarating ang 7 dahon na gagamot sa kulam sa akin, magtitiis muna ako sa mga inireseta ng medico.  Eh kung kausapin ko kaya si Aling Sela na alisin na niya ang kulam na ginawa sa akin?  Kaya lang baka magalit siya.  Baka naman kasi hindi totoong mangkukulam pa siya.  O di naman kaya ay mas lalo pa niyang bigatan ang kulam sa akin kasi alam ko ng mangkukulam siya.


**********

Kayo, naniniwala ba sa kulam?  Meron pa kayang kulam dito sa España?  Gusto niyo bang matutong mangkulam o di kaya ay matuto kung paano ito kontrahin?  Heto, meron akong nahanap na blog tungkol sa kulam at iba pang kapangyarihang Filipino.  Basahin din ninyo.  Kayo rin, baka kayo ang sumunod na makulam at sumakit din ang likod ninyo.





Wednesday, August 4, 2010

Buwan ng Wika (Buwan ng...ano??!)

El mes de Agosto es el “Buwan ng Wika” en Filipinas. Para aquellos que habéis estudiado primaria y la ESO en Filipinas sabeis que significa esto: hacen actividades escolares como Juegos Florales, balagtasan,hacer posters, bailes, etc etc.. Todo en Filipino!!! Os acordáis?

**********

Casi todos mis blogs anteriores estaban en Filipino (sí, así se le llama al idioma oficial en Filipinas, y sí, hay otro idioma oficial, el Ingles). Como celebración de nuestro “Buwan ng Wika” escribo este blog en Español. No tiene mucho sentido pero bueno, en el mundo hay muchas cosas que carecen de sentido, dejémoslo así.

**********

Demuestra que eres un autentico filipino. A ver si adivinas cuantas letras tiene el abecedario filipino. Di la respuesta antes de buscarlo por el Google. Comprobemos si has acertado. Bueno, en realidad  no pasa nada si te has equivocado, kabayan, porque no partimos de esa base para decir si eres un verdadero Filipino. Esta sino en el amor que sientes por tus paisanos y por tu pueblo.

**********

Venga va, aquí tienes mas! Sabrías traducir las siguientes palabras en Filipino: computer, qualification, individual, occasion, syphilis.  Piensa! Piensa! Son solo cinco palabras. A ver cuantas adivinas en Filipino. La respuesta esta al final de este blog. Con un 60% pasas. ¿Habrás aprobado?

**********

Sabeis el Dr. Jose Rizal cuando hablaba del amor a la lengua, decía, “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, higit pa sa hayop at malansang isda”.  Y la respuesta del pillín, ang hindi raw marunong magmahal sa sariling wika ay.... pipi.  Y yo digo que, ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay… jejemon!  Hoy, tigilan nyo na ang jejemon, n@KAKu@inis n@h phow.

**********

Ahora en serio, debemos seguir utilizando el Filipino como lengua aunque estemos en España, sobretodo a los niños nacidos o que hayan crecido aquí. Además de aprender el Español y el Ingles, utilicemos el nuestro, el Filipino. Leed mi blog, que seguro que aprenderéis. Promise. This is so freaking true.

**********

Y ahora caigo,  de la cantidad de Pinoys que hay en España, si enseñáramos Filipino a los niños que cuidamos, de aquí 10 años, habría muchos españoles hablando en filipino gracias a las magnificas  canguros que tienen! Pensadlo, cuando estos niños crezcan, hablarían español y filpino! Estaría bueno! Si no os lo creéis, mirad y echad un vistazo a esto: 





**********

Respuestas a la traducción en Filipino: :  Computer qualification, individual, occasion, syphilis:  kompyuter, kwalipikasyon, indibidwal, okasyon, sipilis ¿ Cuantas has acertado?



Monday, August 2, 2010

Hitler, Galit sa Panalo ng Spain sa World Cup!

Medyo matagal ng natapos ang panalo ng Spain sa World Cup 2010. Tapos na ang celebration. Tapos na ang ingay. Ang saya ng mga Spanish noong nanalo sila.  pati tayong mga Pilipino, syempre, nakisaya.

Pero alam niyo ba na si Hitler ay hindi naging masaya, mukhang sa Netherlands siya pumusta.  Ngayon lang na-leak ang galit na galit video ni Hitler nung mabalitaan niyang Spain ang nanalo. Nagsisigaw sya.  Nagwawala. Nakakatakot!  Gyera na kaya ito?

Heto, magrelax at panoorin niyo ang video.  Huwag kakalimutang tumawa o mag-smile, summer naman.  Bakasyon pa!





Sunday, August 1, 2010

Yes! Bakasyon na!!!!


Sa wakas, Agosto na:  buwan ng bakasyon para sa karamihan ng mga Español.  At dahil nasa bakasyon ang amo o kaya ay sarado ang negosyo, bakasyon din ang marami nating kababayan syempre (maliban na lang siguro sa mga nasa Baleares, Canarias, at Malaga na abala sa mga among ngayon naman nagdatingan para magbakasyon sa mga isla at playa).

**********

Si Tita Tina nga, last week pa umuwi sa Pilipinas, isang buwang bakasyon.  Ang swerte nya, mahabang pahinga. Tinawagan ko kanina, nasa Mall of Asia daw, nag-Jollibee kasama ang mga pinsan kong bata.  Hay, na-miss ko tuloy ang cheeseburger, palabok fiesta at Chicken Joy!  Bakit kasi wala pang Jollibee dito sa Spain.  Siguro pag meron, dun ako kakain every Sunday!

**********

Pero nagtataka din ako kay Tita Tina, sabi nya ubos na daw ang inuwi nyang pera!  Aba eh yun yata ang bonus nilang mag-asawa kasama ang isang buwang sweldo nila.  Kasi nga naman, pamasahe pa lang, libo na.  Eh tatlo pa silang umuwi.  Di bale, sabi nya nung hinatid ko sila sa airport, hulugan daw naman yung ticket na binili nya.  Pwede daw bayaran hanggang six months pagbalik nila.  Magastos pero sulit naman, kasi makakasama nila ang mga kamag-anak namin sa probinsya.

*********

Ako hindi na umuwi, kahit may isang buwan din akong bakasyon. Nanghihinayang ako sa gastos.  Mahigit dalawang taon na rin akong hindi nakauwi, syempre miss ko na rin ang aming pamilya.  Mabuti na lang at sa panahon ngayon, may internet na. Madali na lang mag-usap, may videocam pa!  At madalas din naman kaming magchat ni nanay (oo, matanda na siya pero may facebook din sya!) Mabagal nga lang siyang mag-type, inaabot siya ng siyam siyam bago matapos ang isang sentence.  Kaya nagpabili ako ng mike at videocam nya para mag-usap na lang kami.

**********

Sabi ko kay nanay, ipapadala ko na lang na pera yung pamasahe at gastos sa pag-uwi.  Idagdag niya sa maliit na piggery at poultry na pinagkakaabalahan nya.  Tuwang-tuwa si nanay.  Madadagdagan daw niya ang mga alaga niya dahil sa ipapadala ko.  Sana lumago ang itinayo niyang negosyo.  May tatlong taon na rin naman ito, so far, may kinikita naman siya para sa mga gastos niya at pang-allowance ng mga pinsan ko na sa kanya humihingi ng baon tuwing umaga.

**********

Yung sobra sa ipapadala ko, ipapang-down daw niya sa lupang sakahan na ibinebenta ng kapit-bahay namin.  Payag naman daw kasi ang may-ari na magdown lang muna, tapos unti-unti na lang bayaran ang balanse.  Pangalawa na itong lupa na mabibili ni nanay kung sakali.  Yung pang-uwi ko sana last year, yun ang pimambili nya dun sa una.

*********

Biro ko kay nanay, bakit sya pumapayag na hindi muna ako umuwi, hindi nya ba ako nami-miss kaya mas gusto niya ang pera na lang?  Muntik siyang maiyak sa biro ko.  Sabi niya, gustong-gusto daw niya akong makita, pero nagtitiis lang daw siya.  Kaya nga niya iniipon yung aking mga padala at inilalagay sa negosyo para balang araw, kung gusto kong umuwi at doon na manirahan ulit sa amin, ay meron na kaming mapagkukuhanan ng pera.  Yan ang aking ina, mabait at senti.

*********

Hawak ko na ngayon ang 3,500 euros na pang-uwi ko sana.  Bukas ko ipapadala sa Pilipinas (sana maganda ang exchange rate).  Hindi ko man nakita ngayong taon ang aking mga mahal sa buhay, umaasa ako na sa pamamagitan ng pagtitiis ngayon at pag-iingat sa aking munting ipon, balang araw ay magkakasama kami ulit, hindi lang para sa bakasyon, kung hindi pangmatagalan.

*********

Para sa aking mga kamag-anak at kaibigan na nagbakasyon sa Pilipinas, sulitin nyo ang pag-enjoy!!!  I-todo ang oras kasama ang mga mahal sa buhay.  Magpahinga at mag-relax bago tayo sumabak ulit sa trabaho.  Pero huwag masyadong mag-iinom at makikipag-away.  At pagbalik niyo, huwag kakalimutan ang aming mga pasalubong!!!

**********

Para sa mga kababayan na kasama kong naiwan dito sa Spain at hindi nakapagbakasyon sa Pilipinas, heto ang sa inyo:  isang video ng balikbayan paglapag sa NAIA.  Panoorin niyo at mainggit kayo (wag niyo lang gayahin ang ginawa nyang pag-video habang palapag ang eroplano dahil ito ay sobrang delikado!!!):