Bilang ng Mga Bisita

Thursday, July 29, 2010

Si Rosie, Illegal Recruiter at Estafadora

Nagngingitngit sa galit si Kuya Nilo kaninang hapon.  Hindi siya mapakali, inis na inis.  Hindi niya pinansin ang adobong adidas na handa ni Ate Lita, ang kanyang kapatid.  Paborito pa naman ni Kuya Nilo ang adobong adidas, pati buto hindi pinapatawad. Ngunit ngayon, wala syang ganang kumain.  Naloko daw kasi siya, na-estafa.  Hindi niya alam kung mababawi pa niya ang 4,500 euros na ibinayad niya para sa oferta de trabajo ng kanyang asawa.

**********

Si Kuya Nilo ay bagong dating lamang dito sa España, wala pa siyang isang taon.  Wala pa din siyang papel.  Seaman kasi siya, nagjump-ship nung dumaong ang kanilang barko sa Barcelona noong Enero.  Nandito kasi sa España ang kapatid niya.  Meron syang bitbit na pera nung nagjump-ship sya, mahigit 5,000 euros na naipon nya sa barko.  Minsang naglalakad siya sa Calle Joaquin Costa, meron syang nakilala.  Pwede daw papuntahin ng taong ito ang asawa ni Kuya Nilo sa España, basta magbayad siya.  Doon na siya nagsimulang magtiwala, at ma-estafa.

*********

Dahil daw magaling magsalita ang nakilala niya, at dahil gusto niyang makapunta rin sa España ang kanyang asawa, sumugal si Kuya Nilo.  Nagtiwala.  Nagbayad ng 1,000 euros na downpayment para sa oferta ng kanyang asawa.  Pag-uwi niya sa bahay, masaya siya.  Nangarap na malapit na niya ring makasama ang asawa.  nanaginip na malapit na nilang maiahon ang pamilya sa hirap.  Malapit na.  Wala pang dalawang linggo, umabot na sa 4,500 euros ang naibigay niya.  Ubos ang ipon niya.

*********

Ang notorious na estafadora at illegal recruiter sa Barcelona ay itago natin sa pangalang Rosie, hindi tunay na pangalan.  Isa din syang Filipino na ngayon ay nambibiktima ng kapwa Filipino, lalo na ang mga bagong dating sa España.  Ayon sa kwento, paborito nyang biktimahin ang mga katulad ni Kuya Nilo na walang papel.  Ihahanap daw ng trabaho.  Ipepetisyon daw ang mga pamilya sa Pilipinas. Bibigyan daw ng oferta de trabajo. Basta magbayad lang ng apat hanggang anim na libong euros. Lilipas ang buwan at taon, mahirap na daw mahagilap si Rosie kapag nakuha na niya ang pera.  Mailap pa sa agimat ng puso ng saging.

*********

Iyan si Rosie, hindi tunay na pangalan.  Ayon kay Kuya Nilo, marami daw silang nagrereklamo laban kay Rosie.  Kahit hindi na makapunta ang kanyang asawa, maibalik lamang ang kanyang pera, subalit wala na.  Kung nakakausap nya si Rosie, ito pa raw ang galit sa kanya, bakit daw makulit siya.  Natatakot namang magreklamo sa pulis si Kuya Nilo kasi wala siyang papel, at alam ito ni Rosie.

**********

Bakit ba kasi meron tayong mga kababayan na ginagawang hanapbuhay ang panloloko sa kapwa Filipino?  Dyan sa inyo, meron din bang illegal recruiter at estafadora na katulad ng nasa Barcelonang itinago natin sa pangalang Rosie?  Sa Madrid?  Sa Ibiza?  Sa Palma?  Sa Malaga?  Sa Valencia? Sa Canarias?  Isumbong niyo dito at isulat natin upang hindi na makapambiktima ng iba pang Filipino. Kawawang Kuya Nilo, naloko.  Hindi tuloy siya makakain ng adidas na adobo.

Friday, July 23, 2010

Chismis sa Embassy

I´ll give in to chismis, pero ngayon lang ha (asa pa):  Totoo kaya ang balita na ang kasambahay (household staff) ng isang opisyal sa Embajada ng Filipinas sa Madrid ay nag-TNT na sa España??!  Ayon sa report na nasagap ng aking makapangyarihang radar, ayaw na daw umuwi sa Pilipinas ng nasabing kasambahay kaya hindi na sya sumama sa embassy official sa pag-alis sa Spain pauwi sa Pilipinas.  Ang masasabi ko lang, BIENVENIDO A ESPAÑA, kabayan!  May isa na namang magbabasa sa aking blog!!!!

**********

Kilala nyo ba kung sino itong embassy official na ito?  At kung sino ang kanyang kasambahay na tumakas na at ayaw ng bumalik sa Pilipinas kahit pauwi na ang amo nya?  Kilala ko sila, ibubulong ko sa inyo mamaya.  Itutuloy ko muna ang kwentong nakakatawa at nakakainis.  Ayon daw kasi sa regulasyon, ang mga diplomat ay pwedeng magdala sa Spain ng kanilang mga kasama at katulong sa bahay, basta kapag tapos na ang term ng diplomat dito sa Spain, ay isasama nyang paalis ang kanyang mga dinalang kasambahay at katulong.  Therefore, ang pagtakas at hindi na pag-uwi ng kasambahay na ito ay isang paglabag sa regulasyon ng Spain.

**********

Ayon pa sa aking super radar, may nag-advice daw dito sa kasambahay ni embassy official upang wag na lang umuwi at maghanap na lang ng ibang trabaho dito.  At alam nyo ba, taga Embassy din daw ang nag-advice sa kanya!!!  Totoo kaya ito, huwag naman sana.  Baka gusto lang nilang i-pirate ang kasambahay ni embassy official!

*********

Ang chismis pa, matagal na daw nagtatrabaho itong si kasambahay sa kanyang among diplomat.  Sabagay, hindi natin sya masisisi na piliin nyang dito na lang magtrabaho (illegal nga lang, pero pwede namang mag-arraigo) kaysa bumalik sa hirap ng buhay sa Pilipinas.  Nakita nya siguro na mas may kinabukasan sya dito kaysa umuwi ulit sa atin. Ang mahirap nga lang, may nalabag na regulasyon ng Spain at konektado pa man din sya sa embahada.  Kabayan, ang sarap ng paella, noh??!  Siguro paella ang hindi mo maiwanan dito.

*********

O ano, kilala nyo na ba kung sino ang sinasabi ko?  Baka naman nagtatago lang sya sa bahay ninyo?  Sige na nga, sasabihin ko na ang pangalan ng kasambahay na tumakas at ayaw ng umuwi sa Pilipinas:  sya ay walang iba kung hindi si.....

*********

May nasagap pang report ang aking mega radar na hindi pala ito ang unang pagkakataon na tumakas at hindi na umuwi ang kasambahay ng isang embassy official! Nangyari na din daw ito sa kasambahay ng dati mismong Ambassador Antonio Lagdameo. Ano ba yan!  Totoo kaya ito?  Tawag nga kayo sa Embahada at ng malaman natin ang totoo.

*********

Ang tumakas na kasambahay ng embassy official ay walang iba kung hindi si....  si..... si Ronaldo “Popoy” Barcelon.  Ayan ha, Barcelon ang kanyang apelyido, kaya baka dyan sa Barcelona nagtatago!  Ngayon, papangalan kitang Popoy the Spanish Boy.

*********

At sino naman itong embassy official na tinakasan ng kanyang kasambahay?  Umuwi na sa Pilipinas itong embassy official noong isang araw.  Ayon sa kanya, handa na lahat ang mga papeles, ticket, at mga gamit nitong si  Popoy the Spanish Boy pauwi sa Pilipinas subalit hindi sya sumipot sa airport nung araw ng kanyang pag-alis.  Kaya nagalit at napahiya itong si maam!  Sino sya, kilala nyo na ba?

**********

Ang embassy official na naghain na rin ng reklamo sa policia at DFA sa Manila dahil sa pagtakas ng kanyang kasambahay, sa tulong daw ng ibang embassy officials din, ay walang iba kung hindi si..... si....

**********

SI Philippine Ambassador to Spain Ana Ines de Sequera-Ugarte.

**********

Ano, naintriga ka ano?  Gusto mong basahin ang buong balita tungkol dito?  Heto, i-click mo:  


********

Ayan, dito nyo unang nabasa ang chismis na ito ha?  Kaya bumalik ulit kayo at magbasa.  Malay nyo, kayo naman ang i-chichismis ko.  Peace!



Thursday, July 22, 2010

Si Jenny, 14 Años.

Hindi maiwasang laging maikumpara ang buhay, ugali at sitwasyon ng mga kabataang Pinoy dito sa Spain sa mga karanasan sa Pilipinas ng kanilang mga magulang.  Madalas marinig mula sa mga matatanda ang mga katagang “Noong kami ang mga bata….”, “Mabuti at hindi nyo nararanasan ang mga hirap namin noon…”, “Maswerte kayong mga bata ngayon, noong kami…”.  Minsan, pag nagsimula na ang ganitong usapan, alam na natin ang kasunod: may mapapagalitan na naman.

**********
Paano nga ba ang buhay ng mga kabataang Pinoy ngayon dito sa Spain?  Mas maganda ba kaysa buhay na pinagdaanan ng mga magulang nila?  Nakakasama ba sa mga kabataan ang mga impluwensyang napupulot nila sa labas ng bahay?  Hindi na ba nila dala-dala ang mga magagandang kaugaliang Filipino?  O sila ba ay mas malayo na ang narating kaysa sa kanilang mga magulang?  Mas marurunong na ba ang mga kabataan?  Sila na ba ang uri ng kabataang tunay na PAG-ASA ng ating Bayan?

*********

Si Jenny (hindi tunay na pangalan), isang 14 años na Filipino dito sa Spain.  Apat na taon pa lang sya ng umalis sa Pilipinas at dito na sya lumaki at nag-aral.  Marami na syang kaibigang Spanish at meron ding mga Filipino.  Mabait naman syang bata, pero pakiramdam nya, hindi sya maintindihan ng kanyang mga magulang.  Maraming bagay ang tumatakbo sa kanyang isip, minsan sya ay naguguluhan.  Marami syang gusting gawin at marating sa buhay, pero minsan, sya ay natatakot at nag-aalangan.  Silipin nga natin ang isang kabanata sa buhay ni Jenny sa pamamagitan isang pahina ng kanyang diary:

********


Me lo estoy jugando mucho,demasiado, nunca lo había hecho. Además es una experiencia nueva, ya que pienso que la vida es corta y hay que aprovechar el máximo tiempo para vivirla, porque cuando te la quiten sabrás entonces lo que significa "vivir la vida". 

Hay veces que pienso si todo esto que estoy haciendo servirá para algo en el futuro, no me arrepentiré, que pasará, pero de pronto digo: LO QUE PASE, PASARÁ y ya está, porqué el destino está hecho, sólo hemos de hacer lo del medio. Que eso depende de nosotros mismos. También pienso que si una persona que quiere, hará todo lo posible para que estéis juntos, para que os llevéis bien. Una vez escuché decir "Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan." 

En otras ocasiones me han hecho y reconozco que yo he hecho daño a gente. No me gustaría que se volviera a repetir de nuevo, porqué me prometí a mí misma que si salía con alguien era por que lo quería de verdad y para que vuelva a pasar lo mismo paso. 

Pero hay veces que me pregunto con quién pasaré el resto de mi vida, que haré... Primero supongo, que he de tener las cosas claras, estudiar aunque no me guste, tener trabajo, vida simple, marido hijos... Pero todo llegará a su momento, no hay que tener prisa. 

Tengo tantas cosas en mi cabeza que no se por dónde empezar. Si Dios quiere lo lograré aunque sé que está mal, he de seguir mi corazón o sinó al final me arrepentiré. Estoy muy confundida, tengo miedo a todo lo que me vaya a pasar, cada decisión que tome, cada paso adelante que dé. No sé lo que he de hacer, solo que he de seguir mis instintos ya sean bien o mal lo he de hacer porque todo esto es prestado, mi vida, mi familia, mis cosas, todo y lo he de gastar al máximo, disfrutar lo máximo sin temer a lo que pueda suceder en el futuro. a lo que digan o lo que sea, sobretodo hablando del amor. Lo importante es que estoy satisfecha con mis decisiones y no me arrepiento. Sé las consecuencias pero me arriesgo. Soy así.

Alam ko pag tanda ko at nabasa ko 'to, matatawa ko sa lahat ng kalohohan na nakasulat dito.”


********

Ano sa tingin ninyo sa mga kabataang Filipino na tulad ni Jenny?  Sila ba ay nawawala sa tamang landas?  O sila ba ay henerasyon na nangangailangan ng pang-unawa, gabay, pagmamahal at inspirasyon?  Sila ba ay hindi na natin kasing-Filipino o sila na ba ang mga bagong Filipino na bukas ay magtatayong muli ng ating inang-bayan?

At ang tanong sa mga kabataan, handa na ba kayong harapin ang kinabukasan?


Quote:

"¿Donde está la juventud que ha de consagrar sus rosdas horas, sus ilusiones y entusiasmo al bien de su patria? ¿Donde está la que ha de vertir generosa su sange para lavar tantas vergüenzas, tantos crimenes, tanta abominación? ¿Pura y sin mancha ha de ser la victima que habeis de encarnar en vosotros el vigor de la vida que ha huido de nuestras venas, la pureza de las ideas que han manchado nuestros cerebros y el fuego del entusiasmo que se ha apagado en nuestros corazones?  iOs esperamos, o jóvenes, venid que os esperamos!"


---Binigkas ni Padre Florentino sa El Filibusterismo, Dr. Jose P. Rizal, 1891

Wednesday, July 21, 2010

Filipina Maid Inherits Millions from Employer


Ang swerte naman ni kabayan, pinamanahan ng mahigit 200 million pesos ng kanyang employer. Dito kaya sa Spain, nangyari na rin ito? Kelan kaya mangyayari ito sa akin?  O sa iyo?

**********

2 Million US dollars, and dami nun! Masaya tayo kapag nakakarinig ng ganito di ba? Lumalabas sa buong mundo ang galing, husay at sipag natin mga OFW. Nakikilala tayo dahil sa katapatan natin at tiwalang ibinibigay ng ating mga employer. Isang masayang araw ito para sa ating lahat, isang pagkilala. Sana, magbalato naman sya!

**********

Kung sa iyo nangyari ito, san mo gagamitin ang mahigit 200 milliones? Bagong bahay, kotse, mga appliances. Baka umuwi ka na lang sa Pilipinas at magnegosyo na lang dun, ano?  Ang sarap mangarap!

*********

Heto, basahin mo ang magandang kapalaran ng ating kababayan:

Tuesday, July 20, 2010

Kabataang Pinoy, Kumusta Ka Naman?

Kahanga-hanga ang mga batang Pinoy dito sa Spain.  At kapag sinabi kong Pinoy, kasama kayo lahat dun:  mga ipinanganak sa Pilipinas, mga dito na ipinanganak, mga magulang ay parehong Pinoy din, pati yung mga ibang nacionalidad ang isang magulang.  Oo, basta may dugong Filipino, at hindi ka pa matanda, kabataang Pinoy ang tawag sa iyo.  Pati mga medyo may edad na, wag lang SOBRANG gurang, pwede pa ring tawaging, ahemmm... kabataan (pagbigyan nyo na!).

*********

Kumusta naman kayo, mga kabataang Filipino, ayos ba tayo dyan?  Bilib ako sa inyo mga ´tol.  Ang bilis nyong matutong mag-spanish, parang minamani nyo lang.  Pasok lang sa school, nahihiya at natatakot pa kayo nung una, pagkatapos ng ilang buwan, aba ay nagsasalita na ng kastila!!!  Aba eh, nagsisimula ng magkaroon ng mga puting kaibigan.  Habang kaming mga medyo may edad na (medyo lang naman, walang basagan ng trip!), eh inabot na ng taon dito, simpleng Spanish pa lang ang kaya namin, dugo ilong pa!

*********

Pero kumusta ka naman, ok ka lang ba dyan?  Bakasyon sa school ngayon, masarap gumala.  Summer pa!!!  Sa Pilipinas, ayaw mong magpaaraw kapag summer, ang init naman kasi ang sikat ng araw (at ayaw mong umitim).  Nagpapayong ka pa nga sa atin, naaalala mo pa ba?  Sige nga, ngayon, subukan mong magpayong pag namasyal kayo ng barkada mo sa park!!!  Sya nga pala, kumusta naman ang nagdaang taon school, pasado naman o ayaw mo munang pag-usapan?

*********

Anong plano mo ngayong summer, uuwi ba kayo sa Pilipinas ng pamilya mo o gagala ka lang dito sa Spain kasama ang mga barkada?  Ok lang mag-enjoy, wala namang pasok sa school.  Pero tulad ng sabi ni nanay, laging mag-iingat, piliin ang uri ng gimik at tipo ng barkada, at huwag masyadong magpagabi ng uwi.  Maniwala kayo, lahat yata ng anak pinagsasabihan ng ganyan ng mga magulang, kasama na ako dun.  Pati siguro si nanay nyo, pinagsabihan din ng mga magulang nya nung sya ang bata.  Tanungin nyo pa ang lola nyo!  Ok lang naman mapagsabihan ng magulang minsan minsan, kaysa naman dedmahin ka ng nanay mo buong buhay.  Isipin mo yun, sinong magluluto ng pagkain mo at magbibigay ng allowance mo?!  Hirap nun ´tol, hindi yun cool.

*********

Kelan ka huling napalo ng magulang mo ´tol?  Ako, nung edad 9 yata ako, grade 3.  Matigas kasi ang ulo ko, tapos sumagot pa ako sa nanay ko.  Ayun, palo sa pwet, walis tingting pa yata ang hinampas ni mader.  Syempre, umiyak ako nun, tapos nagtatampo.  Hindi ko nga sya kinausap.  Sa isip ko, hindi-hinding kita kakausapin, kahit hanggang bukas, kahit for life!!!!  After 15 minutes, dumaan yung nagbebenta ng sorbetes.  Nanay!!!!!  Pahingi ng dalawang piso!!!!  Ayon, bati na kami.  Pero kung hindi lang dahil sa sorbetes, naku, baka hindi ko pa sya kinakausap hanggang ngayon dahil sa tampo.  Imagine mo yun, pinalo ako???

*********

Dito sa Spain, bawal ang sobrang palo sa anak.  Abuso daw yun, sabi ng batas.  Pwedeng i-denuncia ang magulang.  Karamihan sa mga magulang na Pinoy, ang pagpalo ay pagdidisiplina.  Meron akong nabalitaan, ewan ko kung tsismis lang, na meron ng kabataang Pinoy ang nag-denuncia sa kanyang nanay dahil pinalo sya.  Sa aking tingin, ok lang ang paluin minsan ang bata, huwag lang madalas at yung tipong mata na lang ang walang latay, para madisiplina.  Pero syempre, walang kapalit ang magandang usapan at halimbawa ng mga magulang upang maturuan ng tama ang mga bata.  Kaya ´tol, pag minsan pinagsabihan o pinalo ka, ok lang yan.  Promise, hindi ka namin tatawanan ahahahahaha

*********

Eh pare, ok ka lang ba talaga?  Hindi ka naman nahihirapan mag-adjust sa buhay at kultura dito sa Espanya?  Kung bago ka pa lang dito, hayaan mo lang yan, masasanay ka rin.  Tignan mo yung ibang kabataang matagal na dito, para na silang Spanish: ang suot, ang salita, ang ugali.  Meron na rin silang mga tattoo, may piercing pa.  Yung pamangkin ko ngang lalake na dito na pinanganak, may malaking butas sa tenga ´tol, may malaking hikaw.  May piercing pa sya sa may kilay nya.  Cool, noh?  Ikaw, gusto mo rin ba ng ganun?  Tattoo, butas sa tenga o dila o kilay.  Wag ka lang magpapabutas sa ilong ´tol, magmumukha kang baka o kalabaw.  Hindi cool yun.  Papaluin ka pa ng nanay mo, sigurado ako.

*********

Hindi ka naman feeling lost minsan?  Oo nga, sanay ka na sa buhay dito, may mga ilang kaibigang puti ka na nga eh.  Minsan ba hindi mo nararamdaman na iba ka sa kanila?  Iba ang kulay ng mata mo, iba ang kulay ng balat mo, iba ang kulay ng buhok mo, pango ang ilong mo!  Haha  Oo ´tol, pango ang ilong nating Filipino!  Baka Spanish citizen ka na rin, pero in-na-in ka na ba dito sa Spain?  Hindi ka ba confused minsan dahil ibang-iba ang kultura at ugali nyo sa loob ng bahay kumpara sa mga nakikita mo sa labas?  Sa mga kaibigan mong Spanish, anong tingin at turing sa iyo, Spanish din o Filipino?

*********

´Tol, iba ka kasi Pinoy ka.  Wag kang mawala, wag kang malito.  Taas-noo, Pinoy ka!  Yung mga itinuturo ng nanay at tatay mo, yun ang kultura mo, yun ang kaugalian mo.  Ibang iba iyon sa mga nakikita mo dito, pero makinig at matuto ka lang, itago mo yung mga pangaral ng pamilya mo.  Balang araw, yung mga iyon ang magpapalakas ng loob mo.  Tandaan mo, kahit maging Spanish citizen ka man, Pinoy pa rin yang puso mo, hahanap-hanapin mo pa ring umuwi sa bayan mo.  Hahanap-hanapin mo pa rin ang magandang pakisama ng mga kalahi at kamag-anak mo.  Kaya umayos ka ´tol, ipakita mo ang galing ng Filipino!

*********

Sige, ´tol, gumimik at magparty ka muna, basta alam mo lang ang mali at tama ha?  Alam mo ang bawal at pwede.  Peace, ´tol, ingat ka lagi.  Pero sa September, balik eskwela ha?!



Sunday, July 18, 2010

Katakamtakam!!!

Ano ang mas gusto mo, Filipino or Spanish food?  Masarap ang mga pagkaing atin.  Nakakamiss!  Kapag kayo ba ay umuuwi, hinahanap nyo kaagad ang mga sikat na pagkaing Pinoy?  Ako, siguradong oo!  Paglapag pa lang sa airport, natatakam na ako.  Subalit unti-unti ay nasasanay na rin ang panlasa natin sa mga pagkain dito sa Spain.  Marami na rin akong gustong luto dito.  Kaya heto, mamili ka sa mga masasarap na pagkain.  At magutom ka sana!

Mga Pagkaing Pinoy na natikman ko nung ako ay umuwi at nag-ikot sa Pilipinas:

Isaw


Spaghetti ng Jollibee 


Chicken Inasal

Sinanglao ng Laoag City

Inihaw na Pusit


Kinatay na Kambing


Mainit na Miki ng Ilocos

Ribs sa Racks


Palabok Fiesta ng Jollibee
May Chicken Joy pa.

Fritong Tilapia sa Greenbelt 5

Fritong Bangus
May Itlog at Pansit


Lenchon ng Cebu


Pakbet ng Visayas


Halamang Dagat


Tahong at Alimango sa Dampa


Sinigang sa Miso na Ulo ng Salmon


Fritong Boneless Danggit ng Cebu


Hipon


Papaitan


Hinog na mangga


Mga pagkaing Español na natikman ko dito sa Spain. Alam nyo bang maghanda ng mga ito?



Cordero


Sepia


Paul the Pulpo


Bocadillo


Pastel


Masarap na Cafe


Sikat na Paella


Pusit (parang lutong Pinoy)


Cochinillo


Ensaymada


Tapas


Pimientos de Padrón


Strawberries


Entrecot at patatas fritas


Ano ang paborito nyo?  Teka lang, kakain muna ako.

P.S.  Salamat sa mga kaibigang nag-share ng kanilang mga photos. 

Saturday, July 17, 2010

Homesick and Miserable in Spain

Kanina, nakita ko yung dalawa kong lumang USB drives.  May mga lamang pictures, emails, at mga sinulat kong satsat tungkol sa mga bagay bagay.  Napangiti ako nung mabasa ko ang isa.  Sinulat ko nung bagong dating pa lang ako sa Spain, email ko yata ito sa isa kong kaibigan na nasa Manila.  English pa, pasensya na.  Heto, basahin nyo:


*********

12 January 2007

Today is a terrible day.

I am sick, both physically and emotionally. I feel like throwing up and I think I´m homesick, for the first time.

I woke up at 6am today with a low-level drumming headache but I had to get up and go to work until 12 noon.  I´ve been here in Spain for almost a month and have been working for almost two weeks.  I am living alone in a rented room.  I have to work 5 days a week, 8 hours a day, sometimes even longer. And today is supposed to be another ordinary day.  

By the time that my work was over, I was hungry (I have not eaten anything), sleepy, and tired. So I went straight home, dropped by Mcdo to buy lunch. Oh, how I miss rice! Here I can find rice only once in a blue moon: Mcdo doesn´t have it, Kfc doesn´t have it! What they serve is papatas fritas. Damn patatas! So I got myself a quarter pounder. Damn, how I hate burgers! No Filipino anywhere in the world should be made to suffer the agony of eating burger!!!  We are rice eaters.  In Manila I only ate the meat and throw away the rest, and that's what I did with this quarter pounder. Ate my "lunch" in my room, sipped the Pepsi that goes with it. Slept.

I woke up in the evening feeling hungry (again) and now having a terrible headache. So I took some medicines with arabic label which I bought way back in Dubai, washed it down with leftover Pepsi, and then went out to look for a place to eat. I found something like 7-11 (actually it´s VIPS), looked at the menu and there again, darn patatas! I bought beef with patatas, ate the beef, cursed the patatas, and began feeling really miserable, so I ordered a glass of cerveza. Then I had excruciating heartburn and acidic tummy!

I got really, really miserable!  I am more pathetic than Peter Parker when he is not Spiderman!  How do you say pathetic in frigging Spanish??!

I remembered my life there in Manila where I could always call a friend, anywhere, and just babble about my heartburn and acidity and how stupid and hard-headed  I am to be drinking beer on empty tummy knowing fully well that I´d get heartburn and hyper-acidity. How I used to love eating alone, not because I didn´t had any friends, but just wanted to be left alone, how I treasured those peaceful moments when i could just be myself incognito. Here, I am incognito, alone, and genuinely lonely. I have wonderful and kind workmates but I can´t bother them every time I ache or feel sad and miserable.

I looked at my phone and scanned the names to look for someone whom I could talk to, and found no one. For the first time, I had no one.

I´ve always thought of myself as self-reliant and free. I go where I want to go and do what I want to do, and most of the time, I have always survived well. I have travelled before and have been away from my family and friends, but not this long and not this lonely. And I realize how I miss my family, my friends. And how I now learn and accept with infallible wisdom what I have always been denying to myself: that I am strong because of my loved ones.  Because of their support for me and of the good things that I want to do for them which fuel me to move forward.

I have always worn the mask of strength and independence, but I, too, have always believed that the softest hearts do hide in the hardest shells. It's now more than ever that I admit how perfectly true this is.

After dinner,  I walked to starbucks, got my cappuccino (as always), lit a stick of cigarette, then sipped and smoked, alone. It is terrible to be drinking coffee alone at starbucks, it's unbearable to do it when I´m already feeling miserable to begin with, don't you think? Then it dawned unto me, I'll just go home and call my mother and share all of this to her. Then I started to feel better. Time to go home.

Thursday, July 15, 2010

Si Kuya Vincent- Isang Addict

Pinsan ko si Kuya Vincent, kapitbahay namin sa probinsya.  Anak sya ni Tita Belen, kapatid ng nanay ko.  High school ako nung pumunta sya dito sa Spain, halos 10 years din syang nauna sa akin.  Napetisyon na rin nya yung asawa nya at dalawa nilang anak, parehong babae, 14 at 16 ang edad.  Tingin ko mga 44 years old lang si Kuya Vincent, pero mukha na syang 50.

*********
Dati ng masipag si Kuya Vincent, sa Pilipinas pa. Meron syang dyip na minamaneho, meron pa syang maliit na poultry. Hindi naman sya mabisyo noong araw.  Ang alam ko, naninigarilyo sya (kahit nagmamaneho ng dyip!!!) at minsan minsan ay umiinom sila ng gin ng mga kaibigan at kumpare nya kapag hapon. Paborito nilang pulutan yung inihaw na bangus, sawsawan ang toyo na may kalamansi at sili.  Pero hindi pa sya addict noon.

*********

Nabalitaan ko na lang sa nanay ko na luluwas na pala sa Manila si Kuya Vincent kasi pupunta na sya dito sa Spain.  Pinetisyon ni Tita Belen.  Ang sabi sa amin, magtatrabaho daw sya sa malaking restaurant, kung saan matagal ng nagtatrabaho si Tita.  Nainggit pa nga yung ibang kapitbahay namin.  Ang usap usapan, manager na daw kasi si Tita Belen sa restaurant kaya madali nyang napetisyon ang anak nya. Maraming kapitbahay ang lumalapit kay tita para makapunta din sa Spain.  At mula nung umalis si Kuya Vincent, wala na akong masyadong naging balita sa kanya.  Hindi ko alam na naging addict na pala sya.

********
Nagkita ulit kami noong dumating ako dito. Napansin ko na agad na parang kakaiba na si Kuya Vincent.  Payat sya. Balisa.  Mailap ang mata. Dry ang balat.  Parang lumilipad ang isip pag kausap.  Hindi katulad ng mga pictures na pinapadala nila dati sa Pilipinas.  Naramdaman ko rin na parang may gap sila ng kanyang asawa at mga anak.  Nanibago ako kasi hindi ito ang balitang nakakarating sa aming probinsya.

*********

Ang hirap palang magkwento pag ganito, mabigat yung issue tapos pinsan ko pa ang involved.  Mas madaling magkwento tungkol sa bisikleta ni Mang Satur, sa mga kalapati o sa World Cup.  Pero HOOOYYYYY!!!!  Baka isipin nyo tsismis lang ito, hindi noh?!  Umamin na sa akin kagabi si Kuya Vincent na addict sya.

**********

Nagsimula daw iyon mga apat na taon na.  Sa restaurant na pinapasukan nya.  Marami silang Pinoy sa kusina, pati hepe ng kusina, Pinoy din, taga Ilocos daw.  Dun daw sya unang nakatikim.  Pagkatapos kasi ng trabaho nila ng alas 12 ng gabi, lalo ng pag bakasyon nila sa susunod na araw, nagkakatuwaan sila:  kunting inom, magluluto sila ng pulutan sa kusina at maghahapi hapi.  Nalaman nyang pag ganung may inuman pala, meron ding pot session.  Dun sya nakatikim ng shabu.

*********

Ewan ko ba, mabait naman sa tingin ko si Kuya Vincent kung ano ang nagtulak sa kanyang tumikim.  Sabi nya, pakikisama lang daw nung una, at syempre, curious din sya.  Then later on, naramdaman nyang parang may energy sya at hindi inaantok kapag naka shabu.  Kaya kahit walang inuman o pot session ang grupo nila sa kusina, bumabatak na syang mag-isa.  O kaya sa bahay ng katrabaho nya.  Pati sa sariling bahay nya, sa loob ng kuarto nilang mag-asawa.  Kung saan-saan daw nya itinatago ang droga, baka makita ng pamilya nya at ina na kasama rin nila sa bahay.  Ang hindi nya alam, nagsisimula na silang makaramdam sa kanyang kalokohan.

*********

Sa shabu nagsimula ang kalbaryo ni Kuya Vincent. Na-try din daw nyang mag marijuana at cough syrup. Hanggang hindi nya namalayan, wala pang isang taon mula nung makatikim sya, nalulong na sya sa droga.  Madalas silang mag-away ng asawa, lalo na pag pinagsasabihan sya tungkol sa bisyo nya. Naging malupit din sya sa kanyang dalawang anak na pareho na nyang pinagbuhatan ng kamay, ilang beses. Ang huli ay noon lang nakaraang linggo, kung saan itinago ng kanyang pamilya ang nahanap nilang droga sa cabinet ng damit ni Kuya Vincent.  Galit na galit sya.  Pilit ipinapalabas ang droga.  Nasaktan nya pati ang nanay nyang si Tita Belen.

*********

Umuwi nung isang araw sa Pilipinas ang asawa at mga anak ni Kuya Vincent. Magbabakasyon daw, pero hindi nila alam kung kelan sila babalik.  Gusto nilang tumakas sa impierno na dati nilang tinatawag na bahay.  Gusto nilang lumayo sa taong nang-aabuso at nananakit sa kanila na dati nilang tinatawag na asawa at ama.  Sayang ka Kuya Vincent.  Ngayon, wala kang trabaho, lubog sa utang, itinakwil ng iyong sariling pamilya, pati ng iyong ina.  Sana kaya mo pang magbago.  Naaalala ko tuloy nung ikaw ay nasa probinsya pa at nagmamaneho:  ang saya-saya mo, pati ng pamilya mo.

Wednesday, July 14, 2010

Si Mang Satur at ang Mahiwagang Bisikleta

Katatapos lang ng World Cup 2010. Champion ang Spain.  Masaya ang game, kahit medyo pisikal ang laro ng Netherlands.  Sinubaybayan ko ang buong World Cup mula simula hanggang final game.  Lumabas pa ako para magcelebrate nung nanalo ang Spain.  Ang saya, nagwawala ang mga tao!  Naisip kong magblog tungkol dito.  Pero ngayong tapos na, nagtatanong ako: eh ano naman ngayon kung nanalo ang Spain?  Bumuti ba ang buhay ko?  Naging biktima ba ako ng panandaliang saya para bumili ng cerveza sa bar, t-shirt ng World Cup, at magbayad sa Canal +?  Really, anong magandang idinulot sa akin ng pagkapanalo ng Spain sa World Cup?  Sa iyo?


**********

Hayaan ko na ang World Cup.  Isipin ko na lang na nag-enjoy naman ako sa panonood at pagsubaybay sa mga laro ng Spain.  Ikukuwento ko na lang ang nangyari kay Mang Satur at sa kanyang bisikleta nung umaga pagkatapos ng World Cup.

**********

Alas sais ng umaga.  Sa Pilipinas, medyo madilim pa pag ganitong oras.  Naalala ko yung lola ko, nagwawalis na sya sa bakuran pag gising ko ng umaga.  Mga kalat na dahon, plastic, at kung ano ano pa.  Wawalisin sa isang lugar, pagsasamahin doon sa kung saan nya iniipon ang mga basura araw araw.  Tapos susunugin.  Maganda daw sa puno ng mangga namin yung usok para mas maging mabunga at para umalis ang mga insekto.  Hindi ko pa alam kung ano ang polusyon noon.

*********

Dito sa Spain kapag summer, mataas na ang araw kapag alas sais.  Palabas na ako sa bahay para magtrabaho.  Puyat ako dahil sa football, medyo nakainom pa ako habang nanonood at nagse-celebrate kagabi.  Pero kailangang bumangon at pumasok.  Sumagi sa isip ko habang naliligo: nagdeclare kaya ang Spain ng Holiday ngayong araw?  Tapos narealize ko, hindi naman ako apektado kahit holiday, kelangan ko pa rin namang pumasok.  Hay, buntong-hininga sabay shampoo.

*********

At paglabas ko sa kalsada, nakita ko si Mang Satur, kapitbahay naming Pinoy.  Matagal na sya sa Spain, mahigit 12 years na.  Nagtatrabaho sya sa restaurant, sa kusina.  Marami daw silang Pinoy sa trabaho nya, mga cocinero at waiter.  Papasok din sya sa trabaho, pang-umaga siya siguro.  Pero kakaiba si Mang Satur ngayong araw, galit na galit.  Hawak ang isang upuan ng bisikleta.

*********

"Peste!  Kung sino man ang nagnakaw ng bisikleta ko!!!"  Nawawala ang bisikleta ni Mang Satur na ikinandado nya sa bakal na paradahan ng mga bisikleta.  Naalala ko na medyo bago pa ang bike nya, ilang buwan pa lang nyang nabili.  Laging nakakandado yun doon kapag hindi nya ginagamit.  Pero ngayon, nawawala ang bisikleta, pati ang kandado at cable.  Tanging naiwan na lang sa kanya yung upuan na tinatanggal nya at ipinapasok sa bahay.


*********

"Napag-tripan yung bisikleta ko!"  Galit pa rin sya, paikot-ikot.  Parang umaasang makikita nya yung bisikleta nya o yung magnanakaw.  Kasama na namin ang binatilyong anak ni Mang Satur, kinakausap ang tatay na kalimutan na nya yung bike.  Diretsong Spanish na magsalita ang bata, dito na kasi pinanganak.  Namamangha ako sa bilis matuto ng Spanish kapag bata!  Habang ako, dumudugo pa rin ang ilong sa pagsasalita ng Spanish kahit medyo matagal na rin ako dito.

*********

Tingin ko, hopeless na na makita pa ang bisikleta.  Niyaya ko si Mang Satur na magreport na lang sa police.  Sabi nya, wala din namang mangyayari.  Nanakawan na pala sya dati, nagdenuncia sya, wala ngang nangyari. Magkano ba ang bili mo sa bike?  Mura lang, sabi nya, 80 euros.  Aba, ang mura naman, sagot ko.  Binenta lang daw ng isang lalake sa kanya, hindi nya kilala.  Naisip ko, baka nakaw din.  Ah, kaya naman pala!

**********

Sa wakas, kumalma din si Mang Satur.  Tsaka baka ma-late kami sa trabaho.  Kaya sabay na kaming pumunta sa istasyon ng autobus.  Hawak pa rin nya ang upuan ng kanyang bisikleta.  Alam ko, nag-iisip syang bumili ulit ng bisikleta.  Hay, Mang Satur....

Wednesday, July 7, 2010

Por Favor, Pwede Ba?!

Isang maalinsangang gabi. Mainit din pala dito sa Spain kapag summer. Hindi man lang gumagalaw ang mga dahon. Mahirap matulog sa ganitong init. Buksan ang bintana. Itutok ang electric fan (yung muntik ng mabuhusan ng aqua con gas).  Sana may aircon kami.  Mabuti pa yung bahay namin sa Pilipinas na walang gumagamit, may aircon, dito nagtitiis sa init.  Kung sumipol kaya ako, hihihip ang hangin?  O doon lang sa Pilipinas nangyayari yun?

**********

Eh ano bang magandang gawin sa ganitong init?  Tapos na akong mag Facebook at mag check ng email.  Mag-update na lang ng blog.  Heto ang topic ko, bagay sa mainit na panahon:  Ang aking Wishlist na sana mangyari sa ating mga kababayan sa Spain.

**********

Por favor, pwede ba, mag-aral tayo ng idioma?  Abaý napang-iiwanan tayo ng ibang lahi sa uri ng trabahong pwedeng pasukan dahil sa kakulangan natin ng kakayahang umintindi at magsalita ng Spanish!  Nasasayang ang ating galing at talino dahil hindi natin kayang makipagsabayan sa pag-iintindi, pagsasalita, at pagsusulat ng Spanish.  Wag na tayong mag-ilusyon na kaya natin ang sumabak sa buhay dito dahil lamang sa tingin natin ay marami namang salitang Spanish ang katulad ng mga salitang Tagalog.  Mali!  Kailangan nating tandaan na ang pag-aaral ng idioma ay unang hakbang sa ating magandang kinabukasan dito, lalo na at nagbabalak tayong manatili na sa bansang ito.  Tama?

*********

Por favor, pwede ba, tama na ang tsismis!  Sa Pilipinas, at sigurado ako, pati na rin dito sa Espanya, ang dami-daming away at problemang ibinubunga ng mapilantik na dila.  At ang tsismis ay walang mabuting naiidulot sa ating sarili at sa ating mga kapwa.  Kaya´t bago pag-usapan ang ibang kababayan, tanungin natin ang ating sarili:  marami na ba akong pera, maayos ba ang buhay ko, masaya ba ang pamilya ko, wala ba akong problema?  Kung meron pa rin namang pagkukulang o pwede pang ayusin sa sarili natin, yun ang ating asikasuhin, hindi ang pagtsismis sa buhay ng iba.  Ikaw din, baka ikaw ang susunod na pagtsismisan.

**********

Por favor, pwede ba, hindi natin bahay ang kalsada!  Kapag lumabas ng bahay, isipin natin na tayo ay makikita ng iba: kapwa nating Pilipino, mga turista, at mga espanyol. Hindi kailan man naging uso para sa mga lalake ang tsinelas, shorts at kamisetang walang manggas habang tayo ay namamasyal sa Europa.  Sa mga babae, hindi rin kailan man nauso ang duster sa labas ng bahay pag wala ka sa Pilipinas.  At wag kalimutan ang buhok!!!  Naku, makakalbo sa konsumisyon ang mga kaibigan kong bakla pag nakita ang iba nating kababayan.  Kaya sana, tumingin sa salamin, kayo din baka kayo pagtsismisan (ulit).

**********

Meron pang kasunod ito.  Pero bukas na ulit, nasisira ang mood ko, masyado ng mainit.  May laban pa naman ang Espanya bukas sa Worldcup. iVamos España!  iAdios Alemania! 

Monday, July 5, 2010

Sin Gas, Tapas Tapas, at Pulpo



Ala eh, dito ko sa Espanya nalaman na kapag con gas ang tubig, wag mong aalugin ang bote bago buksan!  Parang Pop Cola pala yan, magagalit at tatapon pag inalog.  Muntik ko tuloy mapaliguan ang aming electric fan.  Hindi naman kasi uso ang mga mineral water na con gas sa Pilipinas.  Hindi ko nga alam kung ano sa Tagalog ang con gas eh, alangan namang "may hangin"??!

*********

Parang weird pa inumin ang con gas na tubig, parang softdrinks na hindi naman lasang softdrinks, pero presyong softdrinks.  Siguro limang beses pa lang ako nakainom ng agua con gas at hindi ko talaga ito nagustuhan.  Pati mga Pinoy na kilala ko, wala pa akong nakikitang nag-order ng con gas.  Baka tulad ko, takot din silang hanginin ang tyan.


**********


Eh lalo naman akong naguluhan dyan sa tapas tapas na yan!  Nung bagong dating ako, tatlong araw akong hindi nakakain ng kanin.  Pumasok ako sa McDo, walang kanin.  Akalain mo yun, eh sa Pilipinas eh paborito kong agahan yung longsilog sa McDo (available 7:00am-10am) dahil sa maraming bawang ang sinangag.  Pumunta din ako sa KFC, merong brown na kanin pero hindi naman totoong kanin (sige orderin nyo yung parang kanin sa KFC at malalaman nyong hindi ito ang kaning hinahanap nyo). 

**********

Kaya naman halos mapatalon ako sa tuwa nung makita ko ang nakasulat na tapas tapas.  Aba eh, meron naman palang tapa dito eh.  Sa Pilipinas, masarap yung tapang baboy ramo at tapang usa.  Yung kapitbahay namin nagtatapa ng karne ng baka: ibababad sa suka at toyo tapos ibibilad sa araw.  Pag naprito, naku, siguradong ubos ang kanin sa kaldero.  Salamat at dito sa Espanya ay meron ding tapa.  Siguro naman may kasamang kanin yun, baka may maanghang na suka pang sawsawan!  O kahit wala ng kasamang kanin, basta tapa.  Pwede na rin isabay sa matigas na tinapay.  Kaya ako ay lalo pang natakam.  Ako ay pumasok sa tapas tapas bar para kumain ng walang kamatayang tapa.

**********

Nakakain na rin ako ng pulpo.  Pulpo Gallego.  Hindi ko alam dati kung anong tawag sa Espanyol sa pugita, itinuro ko lang sa waiter.  Naalala ko kasi yung ginagawang pulutan ng tatay ko na pugita (oo, pogi tayo!).  Papakuluan lang daw ng konti, pag nasobrahan ay kukunat na daw.  Hihiwain ng maninipis ang pugita, kasama ang maitim na dugo.  Lalagyan ng kamatis at sibuyas.  Pulutan na.

**********

Pagkatapos kong ituro sa waiter ang aking order na pulpo gallego, may tinanong sya.  Aba eh, kung marunong akong mag espanyol para maintindihan yang mabilis na sinasabi mo, eh di dapat sinabi ko na sa kastila yung order ko!!!  Pero gusto kong makakain ng pulpo, natatakam na ako. Kaya "si" lang ng "si".  Para beber? "Si!"  Cerveza? "Si!".

**********

Dumating ang cerveza.  Ang tagal ng pulpo!  Dumating ang pulpo, nasa malaking plato!  Anak ng...  Pulutan lang ang gusto ko, hindi pang-ulam ng tatlong tao!  Asa pa akong alam ko kung papano sabihin ito sa Espanyol.  Pagkatapos ng dalawang baso ng cerveza, kinuha ko na ang bill ko: 25euros.  Hindi ko man lang nakalahati yung pulpo gallego.  Di bale, masarap naman.  25 euros nga lang.

**********

Learn Spanish
Vocabulary Tagalog to Spanish:     may hangin   :   con gas  (hahaha)