Sa pagtungtong ko sa Barcelona, akala ko nakatakas na ako sa mga mandurukot na naglipana sa Cubao? Yun pala, hindi! Tulad sa Manila, halos ipasok ko na sa baga ko ang bitbit kong bag para mailayo sa mabibilis na kamay ng mga kawatan dito sa Barcelona. Nakakatakot din magtext sa matataong lugar at baka sa isang kisapmata eh maglaho ang celfone ko. At sa tuwing maglalakad ako sa Las Ramblas ay nakaheightened alert ang mga senses ko, idagdag mo pa ang spider sense. Mukhang sa Barcelona, di natanggal ang pagkapraning ko.
Pero at least sa Pilipinas, me XXX at investigador na sumusubok na hulihihin ang mga kawatan. Samantalang dito sa Barcelona, magngangangawa ka man sa harap ng pulis, wala sila magagawa kundi gawan ka ng denuncia (police report).
**********
Ang akala ko, dahil ang mga Kastila ang nagbahagi sa atin ng Kristiyanismo, ay relihiyoso sila. Kung hindi man relihiyoso, at least may interes na makinig sa mga Salita ng Diyos. Isa na namang maling akala. Pagpasok ko sa isang misang espanyol, nagulat ako sa nakita ko. Halos 5 dipa ang layo ng mga nagsisimba sa isa’t-isa at puro mga naka fur coat pa (winter kasi noon)! Sa Barcelona, tanging mga me edad na lang ang nagpu-fur coat. Marahil dahil mas conscious na ang mga kabataan sa animal welfare protection o dahil sobra namang init magfur coat sa isang bansang di naman lagi nagsnow.
Kabaligtaran ang eksenang ito sa nagaganap sa simbahan ng mga Pilipino sa Espanya. Nakatutuwang makita na marami pa rin sa ating mga kababayan ang may pananampalataya sa Diyos. Tanging hiling ko lang sana ay mas gamitin ang panahong iyon upang makipag-usap sa Diyos at hindi sa katabi.
***********
Bago pa man ako pumunta sa ciudad na ito ay madalas ko syang mabasa sa mga pahayan. Kadalasan sa business page, dahil sa dami ng trade fairs na ginagawa dito, at sa promosyon ng ciudad bilang “gateway” sa Europa naisip ko dahil business-oriented sila eh marami rin naman sigurong nagsasalita ng ingles. Natuwa ako at mukhang di ako mahihirapan mag-adjust dahil habang hinahasa ko ang aking espanyol eh pwede naman ako mag-ingles. Pero, hindi, hindi, hindi (parang linya sa pelikula ah).
Pumunta ako sa PC City para bumili ng computer. Dahil masyadong technical ang gusto kong malaman, naghanap ako ng English-speaking. Meron naman daw pero kailangan kong maghintay. Matapos gn 15 minuto eh na-atenderan naman ako. Pero kamukat-mukat mo hanggang “how may I help you” lang kaya nya sabihin. Nyak!
No comments:
Post a Comment