I´ll give in to chismis, pero ngayon lang ha (asa pa): Totoo kaya ang balita na ang kasambahay (household staff) ng isang opisyal sa Embajada ng Filipinas sa Madrid ay nag-TNT na sa España??! Ayon sa report na nasagap ng aking makapangyarihang radar, ayaw na daw umuwi sa Pilipinas ng nasabing kasambahay kaya hindi na sya sumama sa embassy official sa pag-alis sa Spain pauwi sa Pilipinas. Ang masasabi ko lang, BIENVENIDO A ESPAÑA, kabayan! May isa na namang magbabasa sa aking blog!!!!
**********
Kilala nyo ba kung sino itong embassy official na ito? At kung sino ang kanyang kasambahay na tumakas na at ayaw ng bumalik sa Pilipinas kahit pauwi na ang amo nya? Kilala ko sila, ibubulong ko sa inyo mamaya. Itutuloy ko muna ang kwentong nakakatawa at nakakainis. Ayon daw kasi sa regulasyon, ang mga diplomat ay pwedeng magdala sa Spain ng kanilang mga kasama at katulong sa bahay, basta kapag tapos na ang term ng diplomat dito sa Spain, ay isasama nyang paalis ang kanyang mga dinalang kasambahay at katulong. Therefore, ang pagtakas at hindi na pag-uwi ng kasambahay na ito ay isang paglabag sa regulasyon ng Spain.
**********
Ayon pa sa aking super radar, may nag-advice daw dito sa kasambahay ni embassy official upang wag na lang umuwi at maghanap na lang ng ibang trabaho dito. At alam nyo ba, taga Embassy din daw ang nag-advice sa kanya!!! Totoo kaya ito, huwag naman sana. Baka gusto lang nilang i-pirate ang kasambahay ni embassy official!
*********
Ang chismis pa, matagal na daw nagtatrabaho itong si kasambahay sa kanyang among diplomat. Sabagay, hindi natin sya masisisi na piliin nyang dito na lang magtrabaho (illegal nga lang, pero pwede namang mag-arraigo) kaysa bumalik sa hirap ng buhay sa Pilipinas. Nakita nya siguro na mas may kinabukasan sya dito kaysa umuwi ulit sa atin. Ang mahirap nga lang, may nalabag na regulasyon ng Spain at konektado pa man din sya sa embahada. Kabayan, ang sarap ng paella, noh??! Siguro paella ang hindi mo maiwanan dito.
*********
O ano, kilala nyo na ba kung sino ang sinasabi ko? Baka naman nagtatago lang sya sa bahay ninyo? Sige na nga, sasabihin ko na ang pangalan ng kasambahay na tumakas at ayaw ng umuwi sa Pilipinas: sya ay walang iba kung hindi si.....
*********
May nasagap pang report ang aking mega radar na hindi pala ito ang unang pagkakataon na tumakas at hindi na umuwi ang kasambahay ng isang embassy official! Nangyari na din daw ito sa kasambahay ng dati mismong Ambassador Antonio Lagdameo. Ano ba yan! Totoo kaya ito? Tawag nga kayo sa Embahada at ng malaman natin ang totoo.
*********
Ang tumakas na kasambahay ng embassy official ay walang iba kung hindi si.... si..... si Ronaldo “Popoy” Barcelon. Ayan ha, Barcelon ang kanyang apelyido, kaya baka dyan sa Barcelona nagtatago! Ngayon, papangalan kitang Popoy the Spanish Boy.
*********
At sino naman itong embassy official na tinakasan ng kanyang kasambahay? Umuwi na sa Pilipinas itong embassy official noong isang araw. Ayon sa kanya, handa na lahat ang mga papeles, ticket, at mga gamit nitong si Popoy the Spanish Boy pauwi sa Pilipinas subalit hindi sya sumipot sa airport nung araw ng kanyang pag-alis. Kaya nagalit at napahiya itong si maam! Sino sya, kilala nyo na ba?
**********
Ang embassy official na naghain na rin ng reklamo sa policia at DFA sa Manila dahil sa pagtakas ng kanyang kasambahay, sa tulong daw ng ibang embassy officials din, ay walang iba kung hindi si..... si....
**********
SI Philippine Ambassador to Spain Ana Ines de Sequera-Ugarte.
**********
Ano, naintriga ka ano? Gusto mong basahin ang buong balita tungkol dito? Heto, i-click mo:
********
Ayan, dito nyo unang nabasa ang chismis na ito ha? Kaya bumalik ulit kayo at magbasa. Malay nyo, kayo naman ang i-chichismis ko. Peace!
Ayos sa chismis! Akala ko kwentong barbero...maverifica nga....
ReplyDeletehmmm, sakto kasi naka-paro ako. krisis eh. baka pwede ako matulungan makahanap ng employer ng embassy!
ReplyDelete