Bilang ng Mga Bisita

Thursday, July 29, 2010

Si Rosie, Illegal Recruiter at Estafadora

Nagngingitngit sa galit si Kuya Nilo kaninang hapon.  Hindi siya mapakali, inis na inis.  Hindi niya pinansin ang adobong adidas na handa ni Ate Lita, ang kanyang kapatid.  Paborito pa naman ni Kuya Nilo ang adobong adidas, pati buto hindi pinapatawad. Ngunit ngayon, wala syang ganang kumain.  Naloko daw kasi siya, na-estafa.  Hindi niya alam kung mababawi pa niya ang 4,500 euros na ibinayad niya para sa oferta de trabajo ng kanyang asawa.

**********

Si Kuya Nilo ay bagong dating lamang dito sa España, wala pa siyang isang taon.  Wala pa din siyang papel.  Seaman kasi siya, nagjump-ship nung dumaong ang kanilang barko sa Barcelona noong Enero.  Nandito kasi sa España ang kapatid niya.  Meron syang bitbit na pera nung nagjump-ship sya, mahigit 5,000 euros na naipon nya sa barko.  Minsang naglalakad siya sa Calle Joaquin Costa, meron syang nakilala.  Pwede daw papuntahin ng taong ito ang asawa ni Kuya Nilo sa España, basta magbayad siya.  Doon na siya nagsimulang magtiwala, at ma-estafa.

*********

Dahil daw magaling magsalita ang nakilala niya, at dahil gusto niyang makapunta rin sa España ang kanyang asawa, sumugal si Kuya Nilo.  Nagtiwala.  Nagbayad ng 1,000 euros na downpayment para sa oferta ng kanyang asawa.  Pag-uwi niya sa bahay, masaya siya.  Nangarap na malapit na niya ring makasama ang asawa.  nanaginip na malapit na nilang maiahon ang pamilya sa hirap.  Malapit na.  Wala pang dalawang linggo, umabot na sa 4,500 euros ang naibigay niya.  Ubos ang ipon niya.

*********

Ang notorious na estafadora at illegal recruiter sa Barcelona ay itago natin sa pangalang Rosie, hindi tunay na pangalan.  Isa din syang Filipino na ngayon ay nambibiktima ng kapwa Filipino, lalo na ang mga bagong dating sa España.  Ayon sa kwento, paborito nyang biktimahin ang mga katulad ni Kuya Nilo na walang papel.  Ihahanap daw ng trabaho.  Ipepetisyon daw ang mga pamilya sa Pilipinas. Bibigyan daw ng oferta de trabajo. Basta magbayad lang ng apat hanggang anim na libong euros. Lilipas ang buwan at taon, mahirap na daw mahagilap si Rosie kapag nakuha na niya ang pera.  Mailap pa sa agimat ng puso ng saging.

*********

Iyan si Rosie, hindi tunay na pangalan.  Ayon kay Kuya Nilo, marami daw silang nagrereklamo laban kay Rosie.  Kahit hindi na makapunta ang kanyang asawa, maibalik lamang ang kanyang pera, subalit wala na.  Kung nakakausap nya si Rosie, ito pa raw ang galit sa kanya, bakit daw makulit siya.  Natatakot namang magreklamo sa pulis si Kuya Nilo kasi wala siyang papel, at alam ito ni Rosie.

**********

Bakit ba kasi meron tayong mga kababayan na ginagawang hanapbuhay ang panloloko sa kapwa Filipino?  Dyan sa inyo, meron din bang illegal recruiter at estafadora na katulad ng nasa Barcelonang itinago natin sa pangalang Rosie?  Sa Madrid?  Sa Ibiza?  Sa Palma?  Sa Malaga?  Sa Valencia? Sa Canarias?  Isumbong niyo dito at isulat natin upang hindi na makapambiktima ng iba pang Filipino. Kawawang Kuya Nilo, naloko.  Hindi tuloy siya makakain ng adidas na adobo.

10 comments:

  1. kilala ko yang si rosie arce nabau kapitbahay nmin d2 sa barcelona talagang malupit yan hindi na naawa sa kapwa pilipino. kaya hayon nakarma dahil naaksedente ang kanyang anak

    ReplyDelete
  2. abay si ROSIE matamis ang dila nyan...kaya maraming naloloko. mayron ding nakukuha d2 sa spain PERO mas marami ang nabibiktima nya

    ReplyDelete
  3. "ROSARIO ARCE NABUA"

    ReplyDelete
  4. totoo lahat yan....siya pa ang galit pagsiningil,pinagmumura-mura pa yong tao.

    ReplyDelete
  5. alam ng diyos ang may ginagawang mali

    ReplyDelete
  6. sabi ko nga ba ang taong yan hanggang ngayon nasa calle pa. ilang daang mga kapwa filipino na ang inestafa...dapat lang behind bars na siya. ang pangalan NITONG WALANG HIYA,WALANG KALULUWANG TAO: ROSIE NABUA ARCE. Y KE LO SEPA TODO EL MUNDO K ES LA GRAN ESTAFADORA FILIPINA DEL SIGLO XXI.

    ReplyDelete
  7. papuntahin ninyo yung bictima sa CONSULADO NANG PILIPINAS DE BARCELONA, si ROSARIO ARCE NABUA na to taga Barcelona ren sya

    ReplyDelete
  8. majuba..... may kasamang shokoiii....

    ReplyDelete
  9. may kapatid ata yan ah..kc ako nabiktima din ako ng isang dambuhalang taga urgel,,gastos ko lahat ang pagpunta ko dito ultimo tissue wala cya gastos pagdating ko inuhanap ako ng employer tapos sya na ang sumasahod pilit akong pinagbayad ng 3,700 euro kung hindi daw ipapahuli ako kc ala akng papel dito sa barcelona...nilayasan ko pati yung employer ko naghanap mi ng iba at nagtago na sa kanya kasi naniningil pa ng 4ooo euro daw,,,,for what..........e di nga ako nabigyan ng papel ni kahit tissue,,,sugapa,,,garapal.........di k lang masabia ng name kc punong puno ako nd death treat sa mobilko,,,pero kapag bumangis ako consulado ka sa akin,,,,remember napapirma kitang may kinuha kang 2000 euro sa akin,,,bwahahah e ikaw ni check sa papel ala ka ebedensya..

    ReplyDelete