Galing ako sa birthday ng isang Pinoy kanina. Halos lahat ng birthday na napuntahan ko dito, Sabado o Linggo ang celebration, kung kelan bakasyon ng mga tao. Kaya madalas, tapos na ang talagang araw ng birthday pag nagcelebrate ang mga tao, usually, the following Saturday or Sunday. Medyo panis na kung baga. Wala pa akong naririnig na advance ng ilang araw nagcelebrate ng birthday, laging the weekend after. Ayaw siguro nilang maging assuming na mararating pa nila ang kanilang kaarawan na may ilang araw pa ang lilipas. Baka nga naman maudlot pag inunahan.
******************
May mga pagkaing laging inihahanda pag may birthday ang mga Pinoy dito sa Espanya. Nandyan ang walang kamatayan pansit, BBQ, at cake (na tinatawag na pastel). Depende din kung taga saan ang celebrant. Pag Bicolano, may laing o bicol express. Pag Ilocano, may pakbet at papaitan. Pag taga Batangas naman, may pulutang laman loob ng kambing (nakalimutan ko ang pangalan, parang hindi tagalog) at minsan, may sinukmani (hindi ito mani na may sinok). Hindi pa ako naiimbita sa birthday ng taga Capiz kaya hindi ko alam anong specialty nila.
******************
Balik sa kalapati, nakita yung isang kalapati na nakatabi lang sa pader malapit sa nilalakaran ng mga tao. Naisip ko, anong ginagawa ng kalapati dyan eh gabi na??! Napangiti tuloy ako at naisip ko ang mga kalapati sa Pilipinas na gabi lumalabas. Ganun pa kaya ang tawag sa kanila ngayon?
*****************
Itong kalapating ito, napansin ko, hindi yata makalipad. Mas lalo tuloy akong napangiti. Mas mabuti pa ang mga kalapati sa Pilipinas, mababa ang lipad (pero nakakalipad pa rin kahit papano). Ito, nasa tabi lang ng pader. Baka matapakan ng mga tao, kawawa naman. Ewan ko lang kung krimen dito ang pagtapak sa kalapati.
****************
O di kaya ay kainin ng pusa! Pero miminsan pa lang ako nakakita ng pusang gala dito sa Espanya. Hindi tulad sa Pinas, maraming pusakal. Pero nung nauso na ang siopao, parang kumunti na rin yata ang mga pusakal. MEOWWWWW PAAAOOOO!!!
****************
Ang tataba ng mga kalapati dito, marami kasing nakakain. Pati mga turista kung minsan, bumibili ng pagkaing ibon at pinapakain ang mga kalapati habang nagpapa picture. Sa Pinas minsan, yung kalapati ang kinakain.
**************
Learn Spanish
Vocabulary Tagalog to Spanish: Kalapati : Paloma
No comments:
Post a Comment