Bilang ng Mga Bisita

Sunday, July 4, 2010

Madrid o Barcelona?




Madalas na usap-usapan kapag nagkikita ang mga Pinoy mula sa iba´t-ibang panig ng Espanya kung alin ba talaga ang tunay na mas maganda: Madrid o Barcelona?  Ewan ko ba kung bakit malimit ikumpara ang dalawang ciudad na ito.  Pati ako minsan natatanong, ano daw ang palagay ko.  Sabi ko naman, hindi ako mapalagay.

**********

Pareho ko ng napuntahan ang Madrid at Barcelona.  At nakita ko na ibang-iba ang dalawa.  Sa Madrid nandoon ang malalaking mga gusali, palasyo at museo.  Marami din silang linya ng metro o tren. Maraming Pinoy sa Madrid, kaya lang magkakalayo ang kanilang mga bahay o trabaho. Kaya madalas kapag Linggo, nagtitipon-tipon sila sa simbahang Pilipino tapos ay kakain ng crispy pata o dinuguan sa panaderia ni Aling Linda malapit sa simbahan sa Plaza Castilla.

**********

Sa Barcelona naman, laging ipinagmamalaki ng mga Pinoy doon ang pagkakaroon nila ng beach o playa.  Tuwing Sabado at Linggo kapag summer ay siguradong may mga Pinoy na nagpipiknik sa beach malapit sa Diagonal Mar (Mar Bella).  Mahina na ang 3-5 grupo ang sabay-sabay pumupunta doon daladala ang banig at mesa.  Kanya-kanyang baon ng mga pagkaing Pinoy. Naisip ko na kapag nasa Barcelona ako at walang makain pag weekend, ako ay daraan doon, maki osyoso at syempre, makikain.  Siguro naman hindi ako papahiyain pag lumapit ako at sinabing "Uyy, ano yang baon nyo, BBQ?  Ang sarap naman!"

**********

Sa Barcelona, ang daming Pinoy sa may Barrio Raval!  May pagupitan, tindahan, mga remittance center, real estate agents at restauranteng Pinoy.  Nung lumakad ako sa Calle Joaquin Costa at Valldonzella, para akong nasa Pilipinas!  Kumpleto!  Pati mga nakasampay na labadang kumot at damit sa mga bintana, parang Pilipinas talaga.

**********

Sa football, matindi ang kumpetisyon ng dalawang ciudad na ito.  Kulang na lang ay magsuntukan ang mga fans ng Real Madrid at FC Barcelona tuwing maglalaban sila.  Ngayong taon at noong nakaraan, FC Barcelona ang champion sa liga.  pero mas dominante naman ang Real Madrid noong mga nagdaan pang taon.  Para safe, meron akong jersey ni Ronaldo ng Real Madrid at Messi ng FC Barcelona.  Kung nasa Madrid ako, aba syempre sa Real Madrid tayo!  Pero kapag nasa Barcelona naman, aba eh, Visça Barça!!!!

*********

Sa tingin ninyo, ano ang mas maganda: Madrid o Barcelona?  Alin ang mas magaling: Real Madrid o FC Barcelona?  At huwag nyong sasabihing hindi kayo mapatingin, walang salitang ganun!

*********

Learn Spanish
Vocabulary Tagalog to Spanish:  Ano??!  :  Que??!

3 comments:

  1. I think parehong maganda ang 2 ciudad na ito, pero siempre mas kakabigin ng mga taga Madrid ang Madrid at ganun din ang mga catalanes, kakbigin nila ang Barcelona.
    Pero naisip nyo ba, na pag di tayo taga Barcelona, gus2 nting mabisita i2, or pag di tau taga Madrid, gusto nmn natin marating ito.
    Mahirap ang tanong iyan kung walang pagbabasihan.
    Ive been in both Cities. And i personally prefer Madrid =]

    ReplyDelete
  2. Congatulations, you have a very informative blog! galing! nag-eenjoy akong basahin ang mga post mo, and count me in as your new follower :)

    iM in Pinas right now, never been to spain. pero meron akong spanish passport. kastila kasi tatay ko.

    gusto kong pumunta dyan, pero im having hesitations... napa-karami kong worries, bka wala akong mahanap na trabaho (recession daw dyan), bka kulang ang pera kong baon, no habla espanol... pero di naman ako mabebenta nakaka intindi ata ako!(me spanish tutor ako noong bata), relatives in barcelona--- naku una palang nag pa sabi na they cannot accomodate me, wala naman akong plano makitira... hay, hopefully, your many posts can help me decide... if i can survive in Spain.

    ReplyDelete
  3. Hindi ako nakatira sa Spain pero napuntahan ko parehong ciudad pero mas may dating sa akin ang Madrid. Ewan ko ba pero mas nasiyahan akong maglakad sa mga kalye ng Madrid. At sa tingin ko mas accommodating ang mga tao sa Madrid kesa sa Barcelona.

    ReplyDelete